MAY'S POV
Nagising ako nang marinig ang pangatlong alarm ko. Naputol tuloy ang panaginip ko.
As usual routine ko, naligo, kumain, nag-ayos at pumunta na ng hospital.
Bakit parang naninibago ako? Na samatalang... ang totoo naman ay lagi ko tong ginagawa. Nakakasanayan na. At sanay na sanay na kong mag-isa pero parang hindi ko na kaya ngayon.
Huminga ako ng malalim. Siguro pagod lang 'to kaya nag-eemote ako.
Nakarating na ko ng hospital, ipinark ko ang kotse ko sa likod ng building at ginamit ang back elevator na para sa mga doctors at nurses lang na nagpark. Nakasabay ko si Dindin.
"Hi Doc! Buti naman at pumasok ka na. Marami ang nag-alala sayo."
Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka.
"Absent ba ko? Bakit?"
"Ay grabe siya. Gino-good time mo na naman ako. Di mo alam kung bakit ka absent?"
Napailing ako. Wala talaga akong alam. Di ko nga matandaan ang mga nangyari kahapon.
"Oh My God. Alzeimer's disease ba ang sakit mo?" Tanong nito na nanlalaki ang mga mata at napatakip pa ng bibig.
Pano naman ako magkakaroon nun?
Weird.
"May dalawang lalaki kasi na nagpunta samin at sinabing may sakit ka kaya hindi ka nakapasok, and the next day na din."
"Sinong dalawang lalaki?"
"Doc, ano ka ba! Sabi naman nila kakilala mo yun."
Napatango nalang ako at hindi na nagtanong pa dahil bumukas na din ang elevator. Dumiretso na siya sa station nila habang ako, pumunta muna ng mga nakascheduled na bibisitahin kong mga pasyente.
Paakyat ako sa doctors' room nang tumunog ang cell phone ko.
Brith is calling...
Sinagot ko agad ito.
"'Lo May?"
"Yes Kuya Brith? Napatawag ka?"
"Ah kasi... nasa hospital ka ba? Papunta na kami dyan ni Kim."
"Huh? Bakit? Anong nangyari? Si Kim?" Sunod sunod na tanong ko naman. Basta talaga si Kim ang binabanggit, nagpapanic agad ang body cells ko.
"Haha wala! Chill ka nga! Walang masamang nangyari. Binibisita ka lang namin. Remember 26th day of the month na ngayon?"
Nakahinga ako ng maluwag.
"Akala ko kung ano na. Di ko alam na 26 na pala ngayon. Sige hintayin ko nalang kayo. Paout na rin ako."
Ibinaba ko na ang phone ko at nagmadaling pumunta ng room.
Si Kim, ang batang may leukemia na gusto kong ampunin kaso hindi pwede dahil hindi pa ako handa kaya si Kuya Brith nalang. Sa Tagaytay sila ngayon nakatira pero may business na children's resort and park dito sa Manila. Namimiss ko na ang batang yun.
"Kimmy!" Nakangiting sabi ko at nilapitan siya na nakaupo sa wheel chair niya.
"Hi Ate Issa!" Nakangiti ring sabi nito pero mahahalata mo ang panghihina ng katawan niya.
"Sorry baby ha. Matagal na kong hindi nakakabisita sayo, mga 3 months na ata." Sabi ko pagkatapos kumalas sa yakapan namin.
"Nagkita pa nga lang tayo."
"Huh?" Takang tanong ko at tumingin pa kay Kuya Brith.
"Diba pumunta ka sa park last month? Kasama mo pa nga si... nakalimutan ko ang pangalan ng girlfriend mo."
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
