MAY'S POV
"Ouch! Ang sakit!!!"
Napabangon ako agad sa kama ko nang may sumigaw.
"George? Bakit?" Nag-aalalang tanong ko at lumapit sa kaniya na nakaupo na sa gilid ng kama niya.
"Feeling ko sasabog na sa sakit ang ulo ko." Sabi niya na nakahawak sa parte na yun.
"Ayan kasi, inom ka ng inom. Umamin ka nga. May problema ka ba?"
Agad naman siyang namutla at hindi nakapagsalita.
Pinaningkitan ko lang ng mga mata.
"Sabihin mo."
Umiling lang siya.
"Maiintindihan ko naman kaya please!"
"Sorry. Wag muna ngayon. Pero promise, ikaw ang unang makakaalam." Sabi niya at pumunta na ng banyo para maligo, leaving me clueless.
Tumawag na ko ng room service para sa breakfast namin at sakto din namang bumukas ang pinto nila Alisson nung kinuha ko yung pagkain sa staff.
"Isusunod nalang po namin yung iba, ma'am." Sabi nung staff, tinanguan ko lang. At tumingin sa kaharap na kwarto.
"Good morning cutie pie." Bati ko na may halong pang-aasar tapos kumaway. Never ko makakalimutan ang ginawa niya kagabi.
"Tse!" Tapos isinarado na ang pinto.
Ano na naman ang nangyari dun? Tch, ang sungit sungit! Tignan lang natin kung magiging masungit ka pa pag napasagot na kita.
***
"Uy George, tara! Andun na sila sa pool." Pagyaya ko sa tamad na nakahiga na Georgina.
"Ayoko. Masakit pa ulo ko." Sabi niya sabay talukbong sa kumot.
"Hayy nako! Ikaw bahala, basta sumunod ka ha! Wag kang magkulong dito, baka dalawin ka ng mga ipis."
"Umalis ka na nga! Ang ingay mo!"
Natawa ako.
"Parang siya hindi. Sige bye!"
Nagmadali akong pumunta ng top floor, nandun ang swimming pool nila eh. Astig no!
"Oh andito na pala ang hinihintay mo eh!" Sabi ni Keith kay Alli.
"Di mo naman sinabi sakin na hinihintay mo pala ako para di ko nalang kinulit si George na sumama." Sakay ko sa trip.
"Hinihintay? Wala akong hinihintay! Duh!" Deny niya.
"Hindi mo ko maloloko." Bulong ko pagkatapos tinabihan siya sa beach bench.
"Ewan ko sayo!"
"Ah May, bakit pala hindi sumama si Gina?" Tanong ni Keykey sakin.
Tinignan naman siya ni Alli at ngumiti ng mapang-asar.
"Hindi daw sasama. Masakit pa ang ulo."
"Sayang naman."
"Ano ang sayang, bes?" Tanong ni Allison pero nakangiti ng maluwag.
"H-Huh? S-Sayang dahil... h-hindi tayo kumpleto ngayon. Y-yun yung sayang!" Kinakabahang sabi ni Keith na parang pinapaniwala niya din ang sarili niya.
"Ah okay. Pero sinabihan ko rin naman yun na sumunod siya."
Tumango lang ang dalawa.
"Bukas ng umaga alis na natin. Gala tayo?" Suggest ko. Nginitian lang naman ako ng dalawa.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
JugendliteraturImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...