Chap 19: Where the suitor suits

2K 73 0
                                        


MAY'S POV

"Mmmhhmmm... We're the perfect two.."

Sabay ko sa kanta na nasa stereo. Ang ganda talaga ng gising ko kanina! 1 AM na kong nakauwi at nagising naman mga 8. Kahit konti lang ang tulog, ganado pa rin akong nakangiti sa araw na 'to. Wala eh, sabi ni Georgy, ang lakas ng tama ko sa babaeng yun.

Bumusina ako sa labas ng bahay nila Allison. Lumabas naman agad siya at sumakay.

"Good morning Ms. Pretty." Playful greeting ko.

"Good morning din sayo, Doc. Bolera."

Ang ganda niya talaga.

Nagsimula na kong magdrive papuntang workplace niya.

"May band-aid ka diyan?"

Takang tumingin naman siya sakin. "Bakit, may sugat ka?"

"Oo. Nasugatan tuhod ko nang mahulog sayo."

Nakita ko ang ngiti niya pero biglang nawala. "Mga waley na banat mo, May. Wag mo kong sanayin ng ganyan."

"Don't worry. Hindi ako magsasawa hanggat napapangiti kita."

"Stop it."

"Stop what? Yung pagdadrive?" Pamamaang-maangan ko.

"Yang mga banat mo!"

"Bakit, di mo na mapigilan ang kilig?" Mapang-asar na sabi ko.

"Ewan ko sayo. Baka nakakalimutan mo kung gano ako kabrutal."

Bigla naman akong natahimik, nakalimutan ko nga pero ngayon naaalala na.

Nakawan nalang ako ng kahit na ano, wag lang ang mamatay. Di ko yun kaya! Mahal ko ang Dad ko pero ayoko namang makapiling siya ng ganito kabilis! Nakuu ipinangako ko pa naman sa kaniya na gagawa muna ako ng sunod na tagapagmana niya bago ako madeds.

"Uy ang OA mo naman. Joke lang yun!" Tawang-tawang sabi niya.

"Ah, joke lang ba?" Pilit na nakangiting sagot ko pero natatakot pa rin.

"Ang cute mo." Bulong niya.

Napawi naman ang takot ko sa sinabi niya. "Maliit na bagay."

"Ang humble eh no!"

"Naman."

"Oh dito lang, ilalampas mo pa ako."

Huminto na ko sa tapat ng workplace niya. Nagmadali akong lumabas para pagbuksan siya.

"You're such a gentlewoman."

"Wala eh, trabaho ko 'to."

Tinaasan niya ko ng kilay.

"So trabaho mo lang pala ako?"

"Huh? Hindi. Hindi." Tapos kabadong tumawa ako.

Sinamaan lang niya ako ng tingin tapos biglang ngumiti.

"Kung trabaho mo rin naman ang panliligaw sakin, well, pagtrabahuan mo ng mabuti." Sabi niya at tumalikod.

Patay. Masusubok ang cuteness ko dito. Haha. Pero sa mga nakakatakot na tingin palang niya kanina, alam kong mahihirapan talaga ako.

"Good morning ma'am." Bati ng guard sa kaniya nang papasok kami sa office nila.

Marami kaming dinaanan na mga kwarto kwarto rin. Tapos napatingin ako sa babaeng nakasuper ikli na shorts at nakasleeveless, seryoso, nagtratrabaho ba siya dito? O baka naligaw lang?

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon