MAY'S POV
Kakarating ko lang ng condo galing Batangas.
Shet nakakapagod! Ang sakit sakit pa ng katawan ko sa halos dalawang oras na pagdadrive.
Kumuha ako ng gatas sa ref at isinalin sa baso. Nilaklak ko naman agad ito.
"Woah! Parang di ka babae!"
Napatigil ako sa pag-inom at tinignan ng masama ang hinayupak na yun.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Galit agad? Tsk. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng tulad mo."
"Ah so dapat matuwa na ko niyan? Di kita bet no!"
"Grabe ka talaga. Anong pagkain mo diyan?" tanong nito sabay bukas ng ref at tumingin-tingin.
"Kaw na bahala pumili ng makakain mo diyan. Ligo muna ko, nakakapagod." Sabi ko at naglakad na papuntang kwarto.
"Basta bilisan mo ah! May lakad pa ako!" Sigaw niya.
"Wow lang ha! Nakakahiya naman, naisingit mo lang pala ako sa mga appointments mo!"
Tumawa lang siya ng malakas. Ewan ko ba kung bakit pinagkatiwalaan ko agad ang taong 'to! Ay immortal pala.
Dahil ba kating-kati na akong malaman kung anong nangyayari sakin? Dahil ba kating-kati na akong malaman kung anong koneksyon ko kay Allison?
Hay nakuu, sana nga maibigay niya ang lahat ng sagot sa mga tanong ko.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, lumabas na ko ng kwarto ko. Baka kung ano na ang gawin nun!
Nagulat ako pagkadating sa kusina.
"Woah! Para ka namang hindi nakakain ng isang taon!" Pang-aasar ko. Inasar ako kanina eh.
Binitawan muna niya ang siopao na inisteam niya. Simula pa nung lumipat ako sa condong 'to, ngayon lang naging makalat ang kitchen ko.
"Eh wala akong nagustuhan kanina na pagkain ng mga mortal sa mga restaurant diyan."
Napailing nalang ako.
"Sige na, simulan mo ng magkwento... ano nga palang pangalan mo?"
Napailing naman siya. Eh nakalimutan ko talaga ang pangalan niya!
"Hypnos."
"Ok, Hypnos. Sige na."
"Sa iisang kondisyon."
Aba may pakondisyon-kondisyon pa siya!
"Oh sige ano?"*
"Ipaghanda mo pa ako ng maraming siopao."
Tumayo ako at nagsteam ng mas maraming siopao, bahala siya magsawa.
"Alam mo, ang siopao ay galing sa mga pusa." Sabi ko habang kumakain pa siya ng siopao.
Bigla naman siya nabulunan. Tawa nalang ako ng tawa.
Nang umabot na sa sampung segundos na hindi pa siya nagsasalita, nagpanic na ko.
Inabutan ko siya ng tubig at agad naman niyang inubos ang laman. Pagkababa ng baso, tinignan niya ko ng masama.
"Haha okay lang yan. Immortal ka naman." Sabi ko bago pa siya magalit.
"Kung hindi lang kita misyon, nakuu May!"
Tumawa pa ko. Pero napaisip agad. "Misyon mo ako?"
Tumango siya. "Kayong dalawa ni Athena--este Allison."
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...