Chap 7: Lost

4.1K 106 0
                                        


MAY'S POV

*Pano ba patitilain ang bagyo,

kung ang gusto mo lang ay ambon

Pano na ito?

Kung ang gusto mo lang ay ambon*


"Shet...ano bang oras na?" Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko cellphone ko na tumutunog pa rin. Bakit ba ambon ang alarm song ko? Ambon ng ambon! Aish.

7:56 AM

Agad na tumayo ako. Uuwi pala ako ng Batangas ngayon kela mama. Pumasok ako ng CR at nagtoothbrush.

Oh di pa nawawala smile ko?

Di kaya masakit na panga ko? Kagabi pa ko nakangiti ng wagas. Tch. Iba talaga ang epek ng babaeng yun sakin.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nagbreakfast na ko.

Nagtimpla lang ako ng chocolate drink at ipinalaman ang nilutong corned beef sa slice bread. Nang masiguradong nagkalaman na ang tyan ko, nagtoothbrush ulit ako at umalis na.

Hindi dapat ako dumaan ngayon sa hospital pero dahil alam niyo naman ang dahilan kung bakit nakangiti ako mula gabi hanggang ngayon, go nalang.

"Ehem Doc, day off niyo ngayon ah." Sabi ni Faith. Huminto muna ako sa nurse station nila, wala akong magagawa sikat nga eh.

"Masama bang pumunta dito?"

"Hindi naman."

Tatawa-tawa lang si Georgy na nagsusulat sa log book, tapos na duty nito dahil alas otso na. Ganun talaga pag mga nurse.

"Hindi yan pumunta dito para magtrabaho o tumambay, nandito yan para bisitahin ang FAVORITE and SPECIAL patient niya." At tumawa pa siya ng malakas.

"Grabe Georgy ha, ipalipat kaya kita ng ibang department!" Sagot ko.

"As if naman may karapatan kang ipalipat ako."

Aba, hindi talaga to natatakot sakin. Pero totoo naman ang sinasabi niya.

"Eh yun na nga ang problema."

Nagtawanan nalang kami.

"Oh sige, alis na ko. Uwi pa ko ng Batangas."

"Sige, umalis ka na. Kita naming excited ka na makita ang pasyente mo." Pahabol pa ni Georgy.

"Sira ka talaga!" Sabay iling ko. Nakasalubong ko naman si Din papunta sa room 167.

"Doc May, may ipinapabigay si Doc Joeff." May inabot siyang maliit na papel.


All doctors, meeting tomorrow 1-4 PM

PS: Sagutin mo na ako.


Juice ko! Nanliligaw pa rin pala siya! Balak niya kong gawing kabit? Eh may asawa na yun, not in good terms nga lang. Pero yucks, parang kuya ko na ata 'to.

Tsaka this goes to show na...

Ang ganda-ganda ko lang talaga! *flip hair*


"Hi po."

"Anak, andito na ang doctor mo." Pagtatawag ni Mrs. Constantino sa anak niya, siya ang nagbukas ng pinto para sakin. Pinapasok na niya ako at pinaupo. Nginitian ko lang naman si Allison.

"Napaaga ka ata Doc May."

Nginitian ko siya. "Day off ko ngayon."

Nagulat siya. "Eh bakit nandito ka?"

My Dream, Her Imagination (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon