Chap 45: Eyes to Reality

1.6K 58 0
                                    


MAY'S POV

It's been a week. Isang linggo na din simula nang makabalik ako dito sa Manila. I tried breaking up with Trix. Kinumbinsi ko pa ang isa kong kaibigan na maging ka love affair ko kunwari para naman tantanan na ako ni Trix pero wala pa rin eh. Oo nga, break na kami pero di pa rin siya lumalayo sakin. Oh well, bahala siya. I'm already good. May puwang lang na space dito sa heart ko. But happy.

"Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo?"

Mula sa doctor's desk ko, napaangat ako ng tingin at tumingin sa harap.

Nakangiti at nahihiyang mukha ng bestfriend ko ang sumalubong sa tingin ko. Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad. Gusto kong umiyak!

"B-Bes..." di ko na talaga nakaya at naiyak na ko. Nataranta naman siya at nilapitan ako at niyakap.

"Uhmm--" magsasalita palang siya, pinutol ko na.

"Bwisit ka! Bakit mo ko iniwan?!? Bakit di ka nagpaalam?" Naiiyak pa rin na sabi ko. Lumayo siya at umupo sa couch na dito sa loob ng own clinic ko for check-ups.

"Sorry naman po. Pinauwi kasi ako ni granny. Alam mo naman yun!" Arte niya.

Lumapit ako at binatukan siya. Lokaret eh!

"Di ka man lang nang-invite kung pwede ako sumama? Gaga ka talaga! Ang tagal kong nabored dito!" Puro exclaimation point pa rin ako. Kainis eh! Halos dalawang buwan na hindi nagpakita tapos ngayon na siyang may ganang magpakita sakin!

"Hehe sorry na nga."

"You didn't even contact me! Magkaibigan ba talaga tayo?"

"Aish. Calm your tits down, May. Yun talaga ang purpose ko para mamiss mo ko." Tapos tumawa ito ng malakas. Binatukan ko ulit at nakitawa na din. I'm glad bumalik na siya.

"So ano nga, bakit ka umalis?"

"Ha? Wala naman. Kala mo ikaw lang ang kailangan ng escape escape na yan, ako din kaya!"

Natawa ako. Ganun ako eh. Simula college palang.

"So how's your family? Si granny?" Yung grandmother niya yung Chinese.

"Okay lang naman. Malusog pa din. Nasusuka na nga ako sa gulay dun. Yun lagi ang laman ng bibig niya tapos inaalok pa kong kumain din dahil pampahaba ng buhay. At hinahanap ka niya."

"Sabi ko naman sayo. Dapat talaga sinama mo ko. Well, anong sabi mo?"

"Occupied lang talaga masyado ang utak ko. Pero sabi ko nagpapakasaya ka sa mga babae mo."

I rolled my eyes habang nagliligpit ng gamit sa desk. Kung alam lang niya.

"So ano yung sinusulat mo kanina sa bond paper na 'I'm happy!'?" Then she smirked at me. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala." Simpleng sagot ko.

"Di ko naman nakikita sa mga mata mo ang 'I'm happy!' eh!" Sabay air quote pa niya.

Wala naman talaga akong dahilan na nagpapasaya sakin. But anyway, I should be. I don't deserve grievance nang dahil sa wala. I deserve to be happy. Sabi ko nga, if destiny can't give my happiness, I will find happiness in many other ways.

"Hindi ka duty ngayon?" Tanong ko nalang dahil pansin kong hindi siya nakauniform.

"Nah mamaya pa. Sa labas na tayo magdinner at pag-usapan natin ang topic na iniwasan mo."

Napasimangot ako. Nahalata talaga niyang iniiwasan ko ang topic na yun.

Naghiwalay na kami pagkadating ng parking lot. We agreed to eat at our colleague's restaurant. Nauna akong dumating dun dahil nagtext siyang may dadaanan lang. Aysus, chicks na naman yun. Ako, tapos na ko sa stage na yan. Nakakasawa na rin.

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon