ALLISON'S POV
Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni Clyde nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng dining room.
"Oh, Love. Kumain ka na ba? Umupo ka na, paghahandaan kita. How was the operation?" Approach ko sa kaniya matapos hugasan at punasan ang basang mga kamay ko.
Wala iyang imik na lumapit sakin, hinalikan ako sa mga labi at isiniksik ang kaniyang ulo sa leeg ko. 'Tong babaeng 'to.
"Hey. Okay ka lang?"
"Hmm."
Natawa ako ng mahina at hinalikan siya ulit bago tinulungang hubarin ang lady coat niya at pinaupo sa counter.
Pinaghandaan ko muna siya ng almusal. Kauuwi lang niya galing ospital dahil tumawag kaninang madaling umaga ang isa sa mga doktor niya na kailangan nang operahan ng isang batang pasyente nila. At pinangakuan niya ito na siya ang mag oopera dun kahit hands-on nalang siya sa pagmamanage ng ospital. Sabi pa niya, hindi siya nag-aral ng medisina para magpalakad ng ospital, kundi para manggamot at tumulong sa nangangailangan ng tulong niya. Nakakaproud lang 'tong unggoy na 'to.
Nagsimula na siyang kumain at napangiti naman ako nang madali niyang nginuya ang pangalawang subo niya. Tinabihan ko siya para sana tanungin.
"Kamusta yung operasyon, Love?"
"It went well. Di pa rin talaga ako sanay pag may nangyayaring masama sa bawat operasyon ng pasyente ko. Muntik na yun kanina."
"Love, wag mo nang alalahanin yun. Okay naman na diba? Okay na siya." Hinihimas ko ang likod niya para kumalma naman siya. Ang drama talaga nito.
"Thanks, Love. By the way, kelan daw ipepresent ni KT yung wedding venues?" May asked. KT is the bestfriend of her cousin, Abby.
"She called me earlier. Makikipagmeet siya ngayon sa 'tin. But I prefer na ako nalang, you need to rest."
"Nope. Sasama ako, Hon."
I suddenly blushed at the new endearment, knowing that this woman beside me will be my wife in a few months.
"Sige, ikaw bahala. But, ipapamove ko nalang mamayang hapon ang meeting natin para naman makatulog ka kahit sandali lang."
We smiled at each other at ipinagpatuloy niya ang breakfast niya.
"Mommy!" Sigaw ng isang batang lalaki na tumatakbo papunta sa min.
Nakita ko ang liwanag sa mga mata ni May nang makita si Clyde. The sight warms my heart.
"Good morning Clyde!"
"Good morning Mommy!" Nakangiting sabi nung isa pero nilampasan si May at niyakap ako.
Nakita ko naman ang pagpout ni Melissa. Kinarga ko si Clyde at hinalikan sa pisngi nito. Three years old na siya, ilan na lamang ang mispronounced na words. He's growing so fast.
"Clyde, won't you give your Mom a morning kiss?" Tanong niya sa bata.
"Mommy, diba pupunta tayo mamaya sa playground. Play with my new friends." Sabi sakin ni Clyde na tila di narinig si May. Bagong ligo palang ito, nakarobe at basa ang buhok.
I shifted awkwardly at my seat sa titig ni May samin.
"Yes baby. Uhm, Mommy May will come with us."
"No." Sabi ng bata. Automatic na napatingin ako sa reaksyon ni May, nagtataka ito sa sinabi ng bata. "Mommy May is with another boy. She called him son. I'm her son, right? Why did she call the other boy as her son? Does she not love me anymore?" Walang prenong tanong ni Clyde.
![](https://img.wattpad.com/cover/127018225-288-k228890.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Teen FictionImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...