MELISSA'S POV
"Eww Mommy!" Sigaw ni Clyde na sinundan pa nito ng masiglang tawa.
"Pakain ko sayo 'to eh!" Sigaw ko rin sa kaniya.
"Love..." saway ni Allison.
Napatingin ako sa dalawang diyos na sinabayan pang tumawa si Clyde.
"Love, okay ka lang?" Tanong ni Allison habang hinihimas ang likod ko.
Alam niyo ba kung anong nangyayari?
Ay! Wag na! Di ko ipapaalam!
"Ares, pakuha nga ng tubig sa bag." Sinunod naman ni Ares ang utos ng kapatid niya.
"Love--"
"Akin na!" Inis kong hablot sa tumbler at nagmumog. Mas lumakas lang ang tawa ng tatlo.
"Bwisit kayo, Hypnos!"
"Hahaha! Di ko akalain na susuka ka pala!" At tumawa ulit ang tatlo.
"Tsk!"
Nang matapos akong magmumog, ibinigay ko ang tumbler kay Allison. Nakita kong nagpipigil din ito ng tawa, maging si Ares na seryoso ay natatawa na.
"What?"
"Nagdala ako ng maraming candies kasi akala ko si Clyde ang magsusuka, ikaw pala." At tumawa na siya mga madla.
Sinimangutan ko nalang sila. Ako? Nagsuka? Oo? Eh nung una naman na sumama ako sa pagteleport ng mga 'to, walang suka suka nun. Bakit ngayon? Ugh! Nakakahiya!
Bago ako tumalikod sa kanila, naramdaman ko ang mga labi ni Allison sa mga labi ko.
"Eww Mommy! Mama hasn't washed her mouth cleanly!" Singit ng anak namin.
Humiwalay si Allison at nginitian lang ako habang pinakita ko naman ang kamao ko kay Clyde. 'Tong bubwit na 'to.
"Athena, simulan na nating maglakad. Natanggap ko ang mensahe ni Artemis na handa na ang lahat at tayo nalang ang hinihintay."
Tumango lang siya at kinuha ang kamay ko at nagsimulang maglakad ang lahat.
Maingay si Clyde. Kung ano-ano ang sinasabi tungkol sa nakikita niya, nandun naman si Hypnos at Cupid na nagpapaliwanag sa kaniya. Maging ako ay humahanga sa mga nakikita ko. Walang mga gusali gaya ng mundo namin, malinis ang paligid, puno ng halaman at damo pero hindi yung creepy. Paraiso ang dating nito. Katamtaman lang ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat. Ang sarap ng hangin na mukhang nagmumula pa sa karagatan nila. Paakyat na kami ngayon ng Mt. Olympus na alam kong nakakapagod, parang hiking pero kakaiba dahil may mga hagdan ito.
Nauunang maglakad sila Hypnos na nasa mga balikat niya nakaupo si Clyde, nakasunod si Ares, at kami ni Allison na nahuhuli. Huminto silang lahat sa unang hagdan.
"Love?" Bulong ko.
Nginitian lang niya ako. Ugh, ang ganda ng magiging asawa ko. Eto yung jackpot eh.
Umangat ang malawak na unang hagdan na inaapakan namin. Ang isang kamay ko ay napahawak sa braso ni Allison dahil sa paggalaw nito. Pumapalakpak si Clyde dahil sa nakikita niyang kagandahan ng mga tanawin habang dinadala kami ng pirasong malawak na semento pataas ng bundok, diagonally.
Mga dalawang minuto lang ata ang itinagal nito at huminto na. Kumabog ng malakas ang puso ko nang makita na nandito na pala kami sa lupain ng mga diyos at diyosa. Napakalawak nito, namamayagpag ang natatanging mansion sa gilid na gawa mula sa bato, semento, at pilak.
"Wow." Sabay pa kami ni Clyde.
Ngayon ko lang nakita 'to dahil noong nakaraang 2 years, sa kuweba ni Medusa naman ako napadpad eh which is such an evil place.
BINABASA MO ANG
My Dream, Her Imagination (GxG)
Ficção AdolescenteImmortal. Naging mortal. Ang dating si Athena, Greek Goddess of War and Wisdom, ay napunta sa mundo ng mga tao. Siya ang babaeng nagngangalang Allison. Mabait. Maganda. Palaban. Talented. Close to perfection kung idescribe nga. Ngunit tutol sa kaniy...
