Chap 21: My Happy Weekend

2.1K 65 0
                                    


MAY'S POV

"Dito na ba?" Tanong ni Harvey na nagdadarive ng van at huminto sa tapat ng condominium ni Georgy.

"Yup. Dito lang."

Bumaba muna ako at iniwan ang tatlo sa loob ng van. Sinalubong ko naman ang bestfriend kong bagong gising na papalabas na din.

"Ang aga naman, May. Pwede bang wag nalang sumama?"

"Hindi pwede. Kailangan mong magcool-down from work. Tsaka diba nasabi ko na sayo, kasama natin si Keykey?"

Napaiwas lang siya ng tingin at tumango. "Fine."

"Yehey! Thank you Georgy!"

"Not welcome. Dinadamay mo pa ako sa panliligaw mo kay Allison." Pagmamaktol pa niya.

"Nakuu ang bespren ko! Wag nang magtampo, mag-eenjoy ka naman dun. I promise."

"Pero mas nakakaenjoy kung di nalang ako sasama."

"Sige nga, bigyan mo ko ng valid reason kung bakit ayaw na ayaw mong sumama aside kay..."

"Eh kasi..." sabi niya na parang naiihi. "Pssh, nevermind. Tara na nga."

Tinulungan ko na siyang dalhin ang mga gamit niya papuntang sasakyan at di pa man kami nakakapasok ng van, sinalubong na kami ng sigaw ni Keykey.

"Nice to meet you again Gina!" At lumapit siya sa kasama ko at niyakap ng mahigpit. Hindi naman maiguhit ang mukha ni George at pilit na ngumiti.

"N-Nice to meet you too."

"Hi Georgina! Ako ulit 'to!" Bati ni Allison pagkasakay namin.

"Uy Alli! Musta na ba pasyente ko?"

"Eto, okay na okay na."

"Sabagay, sobrang maalaga ang doctor mo." Sagot niya na nakatingin sakin.

Nagpakilala na rin si Harvey. Naging kaclose naman niya agad ang tatlo. At nakipagkwentuhan pa. Sa passenger's seat nakaupo si Keith habang kaming tatlo nasa backseat, malapit sa bintana si Allison kasi gusto daw niyang kumuha ng shots, si Georgy naman, sa kabilang side, di ko alam kung natutulog ba o nakatulala. Parang may problem. Eh syempre sinama ko eh kahit na awkward siya.

At ako na walang choice, nasa gitna at nakayakap sa unan na dala ni Allison. Naglagay lang ako ng earphones at naghanap ng nakakabuhay na kanta para hindi mabored.

"May," tawag sakin ng pinakamagandang babae.

"Hmm?"

"What time na ba?"

Tumingin ako sa phone ko. "5:28 AM, why?"

"Ah wala. Pashare ha." Sabi niya at tumango nalang ako. Kinuha niya ang isang earphone at isinuot. Isinandal niya rin ang ulo niya sa balikat ko.

I love this.

"May alam ka bang paraan para mawala 'tong antok ko? Ayokong matulog, baka may madaanan tayong magandang spot, hindi ako makakakuha ng pics."

"Uhm..." nag-isip isip naman ako ng pwedeng trip.

"Mabigat ba kamay mo?" Tanong ko.

Takang tumingin naman siya sakin. "Bakit?"

"Hawakan ko nalang para sayo." Sabay kuha ko ng kamay niya at ipinasok sa bulsa ng jacket ko habang hawak hawak pa rin.

Natawa naman siya. "Mga hokage moves mo talaga, eh no?"

Nagkibit-balikat nalang ako. "Allison, alarm clock ka ba?"

"Ay alam ko yan, May. Hindi mo ko mabobola dyan."

My Dream, Her Imagination (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon