Chapter 39

2K 47 0
                                    

Ella P.O.V

Kim ano okay naba yan? Dali dalian nyo naman maghapon na tayo dito sa basement. - kamot ko sa ulo ko sabay punas ng pawis.

Okay na ito my Labss. Hoy! Ara natapos monaba yun - Kim.

Oo kapagod grabe nato huh ? Hindi kaya magalit satin si Baldo sa pinag gagagawa natin? - Ara.

Hindi yan. Kung magalit man sila eh ano - Si Bang na busying busy sa loptop.

Nilibot ko ang paningin ko. Haisst Nagawa namin.

Umupo na kaming lahat sa tabi ni Bang dahil sya nalang yung hindi pa tapos.

Pano mo nagawa yan Bang? Sang lupalop mo nakuha yan? - Nanlaki ang mata ko sa ginagawa nya.

Sa tulong ng pagiging hacker ko Hahahaha! At syempre nakatulong din na naging kami ni Ly no - ngisi nya at tumayo na .

Sa tingin ko... Nagawa namin lahat kaya kailangan ng tumaas. At baka nakakahalata na sila dun. ..

--------

Third Person P.O.V.

Nang matapos sina Ella sa kanilang binabalak ay naisipan na nilang tumaas para naman paghandaan ang Magiging ganap sa pagpropropose ni Alyssa kay Justine.

Sa kabilang banda. Tahimik na nanonood si Dennise at hindi namalayan ang pagkawala ng kanilang mga kaibigan. Kasama nya sina Dzi manood at syempre kakuntyaba sila sa plano.

Si Alyssa naman ay busy sa pag babake ng cake at pag dedecorate kasama sina Gretch.

Hays! Nakakapagod Ly! Maghapon tayong naghahanda - Siko ni Gretch kay Alyssa para hindi nito mapansin sina Ella na nang galing sa basement.

Hehehe! Minsan lang ako humiling eh pagbigyan nyo nako - kamot sa ulo ni Alyssa.

Sigurado kana ba ate Ly? - naiiyak na tanong ni Jia dahil sa sibuyas na hinihiwa nya.

Sandaling natahimik si Alyssa..

Wala namang kasiguraduhan lahat ng bagay baby ji. basta gusto kona talagang lumagay sa tahimik.. Ilang taon nadin ako. Gusto ko ng magkapamilya - masayang sabi ni Alyssa na pinagiigihan ang paglalagay ng pangalan ni Jus sa Cake.

Simula ng ibigay ni Alyssa kay Dennise Ang huling Alas nya.. Yun ay ang singsing.. pinangako nya sa sarili nya na pag hindi nya ito nakitang suot ni Den.. Ehh.. Papalayain nyana ito ng tuluyan..

Wala syang sinisisi kundi sarili nya dahil pinakawalan nya ang taong bumuo sakanya. Pero sa kabilang banda.. Mas sasaya sya ngayong alam nya na mahal na ni Dennise si LA...

At panahon na para ituon nanya ang atensyon nya sa ibang bagay.. Sa taong nandyan.. Sa taong nasakanya.. Yun ay si Justine..

Baldo! Sorry galing kame sa bayan.. Wala talaga kaming mabilhan ng blender eh - singit ni Ara na kunwari ay hinihingal.

Kaya pala wala kayo kanina pa. Meron sa basement nagpagod pa kayo - naiiling na sabi ni Alyssa at pinunasan ang pawis.

Eh.. Ikaw na ang kumuha ako na muna dyan.. Promise pagiigihin ko - Ngiti ni Ara dito sabay kindat naman ng palihim kay Ella senyales na tagumpay.

Sige saglit lang ako.. Pag igihin mo galang ha. - batok ni Alyssa at tinanggal na ang aipron.

Si Bang ang nagsilbing look out sa dulo ng hagdan papuntang basement.

Ng makadaan na si Alyssa ay nag thumbs up naman sya kay Kim para sabihin kay Ella ang naka assign na tungkulin dito.

Sinigurado din nilang matatagalang mahanap ni Alyssa ang blender dahil madilim doon at saktong.. Nasa taas ang switch ng ilaw.. Hindi makikita ni Alyssa ang gayak. Lalo pat wala syang dalang cellphone o kahit na ano.

Way Back To You (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon