Ella P.O.V
Lagot! Bakit lasing nanaman ang isang to? Pagnalaman ni Besh nako talagang malilintikan kayo - pingot ko sa tenga ni Kim na halos matumba tumba nadin sa pagkalasing.
Hahhahaa! Paano hindi sagutin ni Dennise yung tawag Hhaahhaah - halakhak ni Mika na pipikit pikit nadin.
Buti nalang talaga at nandito sa Condo ko sina Ate Dzi kung hindi diko kakayanin magalaga ng tatlong lasing nakakainis dumagdag patong Fajardo nato kala mo naman eh may sinabi sa alak kung makapaginom.
Ho! Ikaw ang kasama ng mga to ah? Bakit naman hinayaan mo na maglasing yang tatlo nayan. - taas kilay na tanong ni Ate Dzi kay Gretch.
Eh babe kasi si Baldo alam mo namang hindi mapipiit yan - kamot ng ulo nito.
Alam mo ate Dzi okay nanga din siguro yang Ganyan kase hindi ko din tiyak kung anong tumatakbo sa isip ni Besh Den dahil hanggang ngayon eh. Naguguluhan padin sya kay Alyssa at Ara - kwento ko.
Hindi din naman natin masisisi si Den, kase si Ara yung alam nyang mahal nya.. Pero have faith na kayang lampasan ni Dennise yan sya pa? - masayang sabi ni Ate Dzi.
Ly.. Konti nalang.. Pag nalampasan ni Dennise ang Battle of her mind and Heart sinisiguro ko na magiging maayos na ang lahat.
Pakiramdam ko ate Dzi unti unti ng bumabalik yung Dennise na nakilala ko eh.. Don't get me wrong pero yung pagseselos nya sa mga girls tuwing lalapit kay Ly.. Tsaka yung maiinis sya pag hindi nagpaparamdam si Alyssa.. Pustahan tayo nababaliw nayun sa Condo nya kaiisip kung bakit hindi nagtetex si Alyssa - Ako.
Natural, isip nya ang nakalimot hindi Puso Tsaka possesive naman talaga si Den sa lahat ng bagay Hahahha kaya nga natin sya minahal dahil sa katangian nya na kakaiba talaga - tawa ni Ate Dzi at nahiga na sa Couch.
I want her back ate Dzi.. - pout ko.
We all want her back but it takes time Ella. - ngiti nya sakin at inasikaso na si Gretch.
Hindi naman masama kung maghihintay kaya I'll wait till its time.
-----------
Dennise P.O.V
Im very disappointed with you Michelle! - sigaw sakin ni Dad.
Nagulat nalang ako when Lolo texted me na nandun daw sa Mansyon sina Dad hindi ko nga alam na uuwi sila .. Pero sana nga hindi nalang sila umiwi kung ganto lang din Hayss.
Dad wala akong ginagawang masama.. Ano po bang sinasabi nyo? - tanong ko.
Lalong sumama ang tingin sakin ni Dad while Mom? Nakaupo lang sya at walang imik same as Lolo.
Akala moba Michelle hindi ko mababalitaan na napapalapit kana sa Valdez nayon? Ilang beses kobang sinabi sayo na Hindi pwede ! - Dad shouted.
Sabi kona yun talaga ang pinupunto nya ..
And what's wrong with that? Walang masama dun mabait na tao si Alyssa Dad ! - sigaw konadin.
Justine tumaas ka muna dun sa taas bantayan mo si Mosh - Mom.
No Justine you stay here.. Bakit Dad? Now answer me bakit ayaw nyong mapalapit ako kay Alyssa? may hindi ba kayo sinasabi sakin na katotohan? Sabihin nyo? - naiiyak na sabi ko.
Wala! Basta wag kang lalapit sakanya si Ara ang mahal mo Dennise at sya .. Sya ang tamang tao para sayo - naging malumanay na ang boses ni Dad pero nanatiling nakakunot ang noo nya .
Oh come on Dad! Mula ng nagka Amnesia ako wala nakayong bukang bibig kundi. Mahalin mo si Ara kase sya yung mahal ko back then. Kahit si Vic mismo ang nagsasabi na it was Alyssa ! And you win Dad minahal ko si Vic .. Pero sana naman wag nyong ipagkait sakin na makilala ko yung sarili ko.. Makilala ko yung tunay na ako.. Hindi yung Dennise na Gusto nyong maging ako! - iyak ko.
You don't understand ! Ayoko lang na masaktan ka.. Sinaktan kalang ni Alyssa Dennise! Kayo ni Justine kaya ayaw ko sakanya! Pinagsabay nya kayo ! - Dad.
Dad stop it! Don't you even Go there! Alam nyo ang totoo.! Walang kasalanan si Ly hindi nya alam na magkapatid kame at alam nating lahat na matagal monang ayaw kay Alyssa - sigaw ni Justine.
Alam kona lahat ng Yan Dad.. May bago kapabang ipapanira kay Alyssa? Bring it in.. Kase kahit anong gawin nyo! Hindi ko lalayuan si Alyssa dahil sakanya ko naaalala yung dating ako .. Kung totoo nga yung sinabi nila na Tinalikuran ko kayo para kay Alyssa noon.. Hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit yun ngayon Dad. At hindi nyo ko madidiktahan sa ano ang dapat kong gawin dahil im old enough to decide.. - tumayo nako At nag umpisanh maglakad.
Hindi ko alam pero mag kung ano sakin na ayoko sa mga masasamang sinasabi nya Kay Alyssa.. Nasasaktan din ako..
Dennise Michelle! Hindi ako makapaniwalang magiging ganyan ka ulit! Na muli mong uulitin ang pagkakamali mo! -Sigaw ni Dad.
Kasabay ng pagpunas ng luha ko ang pagharap ko sakanya .
Kung ang tinutukoy nyong pagkakamali ay ang Mahalin si Alyssa.. Dad.. Hindi ako mapapagod na ulit ulitin ang pagkakamali nayon.. Kahit ilang beses pang mauntog ang Ulo ko at makalimot.. Hinding hindi magiging hadlang yun para mawala yung pagmamahal ko sakanya.. At ngayon sa mga sinabi nyo mas naliwanangan nako kung sino ba talaga si Alyssa sa buhay ko.. At sya nanga yata ang pinaka magandang pagkakamali na nagawa ko - ngumiti ako sakanila ..
Nakita kong nag thums up sakin si Jus at ngumiti sakin si Mom and Lolo but si Dad nakatalikod lang sya habang sapo ang noo.
Huminga ako ng malalim at nagumpisa ng maglakad paalis..
Pero bakit ganto ang pakiramdam ko? Yung saya.. Saya dahil pinaglaban ko sakanya si Alyssa.. Totoo nga.. Totoo ang sinabi ni Besh.. Kung makakausap kolang ang Dennise noon.. Ito at ito ang laging sasabihin nya.. Na ipaglaban ko si Alyssa..
Akala ko na magiging sapat na yung saya na kasama ko sila at si Vic sa State.. Na masaya kami dun.. Pero dito.. Kahit puno ng problema.. Mas masaya padin talaga pag yung mga taong nasa paligid mo ay ang mga taong bumuo sayo noon.. Mga taong nakasama mo.. At hindi ka iniwan ..
Hindi ko alam ang mangyayare pagkatapos nito.. Pagkatapos kong sagutin si Dad.. Hindi ko alam kung maaayus pa ang lahat pero aasa ako.. Na dadating yung panahon na magiging masaya sya sa ano mang gagawin kong desisyon.. Na susuportahan din nyako sa lahat nt Gusto ko..
Alam ko.. Naniniwala ako na isang araw magbabago lahat ng paniniwala ni Dad.. At sana umpisahan nya sa pagtanggap sa mga taong mahal ko.
------------
"You should Fight for what you Love and what you believe in..."
Thankyouuuu sa nagbabasa pa nito kahit Sabaw talaga😂 Advance Happy New year💋❤
#AD💞 update paba?
BINABASA MO ANG
Way Back To You (AlyDen)
FanfictionSa Mundong susubukin ka talaga kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa taong mahalaga at mahal mo. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo kahit nasaktan kana nya ng husto .. at mapapasabi ka nalang na. "Kaya ko palang gawin to.."