Life with My babe💕😘

4.4K 85 4
                                    

Hahhahahaaaaahaahha!! Baldoo walang iyakan Hahahhaah! Nakakabakla ka - hampas sakin ng papel ni Kim.



Yan kase eh! Sabi sayo wag kang titingin sa ibang babae Hahahah napapala mo ugok! - tawa naman ni Greta.



Grabe hindi naman talaga ko tumingin dun sa babae nayun waps. Tinawag ako ni Ella eh saktong daan nung babae.. Anong gagawin ko? Huhuhu.. Ayaw nakong makita ng Asawa ko - naiiyak na maktol ko.


Dalawang taon na kaming kasal ni Dennise.. Dalawang taon nadin kaming nagsasama dun sa bahay na binili ko noon para saaming dalawa.... Masaya.. Sobrang perfect ng lahat.. Yung Dad nya kasundo kona.. Si Justine.. Okay nadin kame.. Tsaka si Baby Mosh na hindi na baby ngayon kasi may Crush na daw Hahahaha!

Wala ng sagabal.. Si Ara? Ayun balita ko kinasal nadin sila ni Bang..




Lahat ng AlE may kanya kanya nading buhay.. Pero syempre si Ella ayun.. Habang buhay nayan samin ni Dennise.. Hindi yata kami mabubuhay ng wala si Elliit. Katulad ngayon..




Nagtex sya sakin magkasama sila ni Dennise.. Ayaw daw akong makita huhu. Pano ba naman kanina..


Nasa mall kame magkasama tapos biglang dumating si Ella so tinawag ako lumingon lang naman ako ehh.. Tapos nangbababae na agad..huhuhu ewan koba lately napaka masumpungin talaga ni Den..




Kilala mo naman kase yang Asawa mo Hahahaha - tawa padin nila.



Ly oh imunom ka muna.. Hindi kaya buntis si Dennise? - Ate Dzi.


Nabuga ko ang isang baso na iniinom ko..




Si Den? Buntis?



Oo nagtry kame nung alam nyona .. Gusto narin kasi ni Den na magkababy kame kaya pumayag nadin ako.. Kaya lang sabi nya Negative daw.. nagkaroon ngadaw sya.







Hahhahahahaha!! Malabo ate Dzi baka nga ayaw lang talaga nya kong makita ngayon.. Greta pwede bang sainyo muna ako tumuloy? Kahit ngayong gabi lang. - pout ko kay Greta.







Nako. Tapos kami naman ang mapagbabalingan ng asawa mo? Hindi namin kaya ang bunganga ni Den Pakiusap - tawa ni Gretch.





Isara nalang natin tong Coffee shop tapos G tayo sa Bar ano Baldo? - Marge.



Baliw. Madaming tao .. Kaya nyo bang paalisin lahat ng yan.. Wag nga kayo tsaka alam kong isa payan sa pagaawayan namin ni Den.. - kunot noo kong sagot.







Beep!


From : Besh Eliit.

Malapit na kami dyan sa Coffee shop Ly.. Utang na loob kung may babae man dyan palabasin mona.. Kahit Apat na dipa pa ang layo sayo.. Tinotopak nanaman tong asawa mo.. Baka daw may babae kadyan.





Namutla ako at nanlaki ang mata kong nilibot ang paningin ko sa Coffee shop.





Fuck! Panay babae..







Hoy! Anu bang nangyayare sayo at namumutla ka? - Kim.




Waps. Guys papunta dito si Dennise.. Palabasin nyo lahat ng babae dito malilintikan ako. - natatarantang sabi ko.






Hahhahahahahahah!!!! Akina yang mic mo Marge. - tawa ni Gretch.




Excuse me.. Magsasara napo kami. Sorry po kakapasok lang po kasing balita.. May paparating na napakalakas na bagyo.. - Sigaw ni Gretch.

Way Back To You (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon