Ella P.O.V
Nice Game Ellapot! Pero talo padin kita - asar ni Bang habang nag byabyahe kame papunta sa Condo ni Ly.
Katatapos lang kase ng Laban namin at syempre nanalo sila nakakainis kase eh. Masakit ng konte ang wrist ko pero okay lang naman.
Bangnita tigilan monga ako. Kala mo naman nananalo kayo sa Cool smasher ah! Tsaka moko ganyanin pag nananalo ka kay AV - irap ko sakanya.
He! Wag mong baguhin ang usapan Hahahaha. Mag mall muna tayo para may pasalubong tayo kay Alyssa - Aya nya ng matapat ang traffic sa MOA.
Okay sige. Kuya paki deretsyo napo sa MOA wag muna tayong makisabay sa Traffic nayan. - sabi ko sa Driver ni Bang.
Oo kanyang sasakyan ang gamit namin sayang gasulina kung sakin no.
Buti nalang medyo maayos na si Alyssa. Natatanggap nanaya na wala na talaga si Besh.
Isang linggo mula nung iniwan ko sya sa abandonadong Park at nagpakabasa sya dun. Buti nalang talaga at pinasunod ko sakanya si Kim.
Nung new year halos ubusin nya ata lahat ng alak ko sa Ref. Pero ngayun ayun busy nasya sa Business nya at sa Volleyball.
Ella! Ano? Tulala kalang dyan tarika dito naghahanap ako ng libro ano kayang maganda? - sigaw sakin ni Bang na nagpabalik sa katinuan ko.
At kelan kapa nahilig sa pagbabasa ha? - asar ko.
Hmm.. Kelan ba? Magmula ng malamam kong sa Libro lang talaga may Happy Ending - Ngisi nya.
Ahhh. Wait ipaghahanap kita - natatawang iling ko.
Eto maganda ba? - abot nya saken nung isa.
Hindi .. Maghanap kapa. - balik ko sakanya .
Para namang nabasa mona - busangot na sabi nya.
Maniwala ka man o hindi nabasa kona talaga yan. Hahahha hilig namin ni Besh Den ang magbasa no - tawa ko.
Eh eto. —
Napabaling ang tingin ko sa taong nasa Counter...
O_O.
Dennise? ..
Ella eto maganda ba? Uy - yugyog sakin ni Bang.
Si.. Si Dennise..! - nanginginig na sabi ko.
Huh? Alam kong maganda si Dennise ang tinatanong k—
Bang si Dennise! Si Dennise ayun!!! - turo ko sa babaeng kakalabas lang.
Ella nababaliw kanaba? Panong magiging si Dennise yun? - kamot nya sa ulo nya.
Hindi ko sya pinansin at hinatak ko sya pasunod sa babae.
Huy teka! Hindi kopa nababayaran - Bang.
Kinuha ko sakanya at inabot dun sa aleng papasok palang sa book store.
Ate pabalik thankyou - madaling sabi ko.
Si Den yun hindi ako maaaring magkamali. Lumingon sya Bang kitang kita ko - pagtakbo ko.
Oh? Wait.. Nasan na? Kanina pa tayo takbo ng takbo dito Ells. - hingal ni Bang.
Panong ang bilis nyang nawala? Minumulto moba ko Dennise?..
Tara na Ells. Wala naman eh namalikmata ka yata? - Bang.
Bagsak ang balikat na sinundan ko si Bang..
BINABASA MO ANG
Way Back To You (AlyDen)
FanfictionSa Mundong susubukin ka talaga kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa taong mahalaga at mahal mo. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo kahit nasaktan kana nya ng husto .. at mapapasabi ka nalang na. "Kaya ko palang gawin to.."