CHAPTER 3

186 8 36
                                    

Sabay sabay kaming bumaling at napa titig sa isat-isa ng bumukas ang pinto at iniluwa si Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabay sabay kaming bumaling at napa titig sa isat-isa ng bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Cassivelaunus kasabay ng pag tunog ng bell na nagsasabi at nagpapahiwatig na oras na ng aming break .

"Dahil paborito ko kayo at naiiba sa lahat ng estudyante ng paaralan na ito hayaan niyong ihatid ko kayo sa Canteen . " nakangiti ito pero hindi naman umaabot sa kanyang mga mata .

"Baka lalo lang kaming mapag usapan kung gagagawin niyo iyan . Hindi po ba ? ." Agad na tumayo si Aliyah at hinarap ang huli .

"Masanay na kayo . Alam naman ng buong unebersidad na kayo ang natatanging paborito ko . Kaya hali na kayo para makahalubilo niyo na din sila at para sila ay masanay na , Dahil simula ngayon ay kayo na ay sasabay na sa kanila ."  pahayag nito na sinabayan ng pag talikod at ito pa mismo ang nag bukas ng pinto para sa aming walo .

Nagkatinginan lang ulit kaming walo pero wala naman sa amin ang nag salita at tumutol at sinunod na ito pababa kung saan ang Canteen na sa taon na ding lumipas simula ng huli akong napadpad dito ay mas lumaki pala ng mas di hamak kesa sa naalala kong itsura nito noon .

Pag apak palang ng paa namin sa loob ay natahimik ang malalaks na bulungan at asaran habang kumakain ang iilan .

Naagaw talaga namin ang buong atensyon ng mga ito at animo sa mga paningin nila ay kami ay kaaway na susugod sa kanila habang sila ay hindi man lang nakapag handa .

"Magandang tanghali sa mga pinaka mamahal kong mga estudyante ! Ipag patuloy niyo lang ang inyong pagkain at wag kaming intindihin ! . " Itinaas pa ni Mr. Cassivelanous ang dalawang kamay sa ere at winagayway na animo nangamgampanya sa natahimik na kapaligiran .

"Palagay mo hindi nila tayo babatuhin ng kanin ? . " kalabit sa akin ni August na nasa aking tabi at halatang peke ang emosyon na pagsusungit sa maamo naman talagang mukha nito .

Imbes na sagutin ko ito ay natawa na lang ako ng pa simple sa kilos nito .

"Anong gusto niyong kainin ? Ako na ang bahala at sagot ko na ang lahat ngayon ! . " malakas na pahayag ni Mr. Cassivelaunus na talagang agaw pansin ng matapat na kami sa harapan ng counter .

"Hindi na kailangan Sir , Salamat n na lang sa personal na pag hatid ninyo sa amin dito . " Mariin na tanggi ni Maven na kahit nakangiti ay alam ko at dama ang pagtataka na iniisip din .

Hindi ba ay lalo kaming mapapasama sa gingawa nito ? Lalong iisipin ng lahat na mas paborito nga kami nito kaya laging napapaboran na kung sa tutuusin ay hindi naman totoo .

"Wag ka ng tumanggi Maven . Ito ang tanging kabayaran sa lahat ng pagpapahirap ko sa inyo tuwing bibigyan ko kayo ng pag susulit na nagiging dahilan ng pag durusa niyo !  ." Malakas at pa sigaw nitong pahayag na animo siya talaga sa amin ay nagpapa hirap .

"Sir ! Bakit kami ? Pinapahirapan mo din naman pero hindi mo kami nililibre ? . " umalingawngaw ang malakas na boses sa di kalayuan na animo puno pa ng hinanakit ang nararamdaman  .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon