CHAPTER 53

78 4 0
                                    

Liwanag ng bilog na buwan sa madilim ng kalangitan ang siyang nag mistulang tanglaw sa aming dalawa ni Thurstan habang hawak ko ang manibela at tinatahak ang malawak at maluwag na daan pauwi ng Mansion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liwanag ng bilog na buwan sa madilim ng kalangitan ang siyang nag mistulang tanglaw sa aming dalawa ni Thurstan habang hawak ko ang manibela at tinatahak ang malawak at maluwag na daan pauwi ng Mansion .

Katulad kanina ay hindi kami nag kikibuan nito .

Pawang mabigat na pag hinga at panaka nakang pag buntong hininga lang nito ang nararamdaman ko habang abala ito na naka dungaw sa bintana matapos namin mag usap kanina sa plantasyon at ng tumanggi sa prisinta nito na siya na ang mag maneho .

Nang makarating kami sa Mansion na patutunguhan at tutuluyan ngayon ay animo nabunutan ako ng tinik dahil sa nakaka binging katahimikan na namayani sa aming dalawa na ginusto ko naman .

Pero nakakabahala minsan .

"Pinsan ! Saan mo dinala ang tutang iyan at ginabi kayo ng ganyan ! . " agad na salubong ni Luciel sa akin ng malalaki ang hakbang na tinungo ang kakahinto ko lang na sasakyan sa harap ng entrada ng Mansion .

Seryoso akong tumitig dito at pinapabatid na ayoko na ng ganitong biro .

"Pasensya na , Nakulitan ata siya sa akin kaya dinala na niya ako sa plantasyon at hindi na ipinag pa bukas pa . Makita ko lang ang maaring bubuo sa aming proyekto . " mahinahon na sagot ni Thurstan na matapos din makababa sa sasakyan at nag lakad pagawi sa likuran ko .

"Alam mo ayaw ng pinsan ko ang makulit ! Walang duda na wala ka talagang pag asa ! HAHAHA ! . " sinamahan na naman ni Luciel ng nakaka lokong tawa na ikina iling iling ko na lang at nag martsa na papasok ng malaking mansion at iwan ang dalawa .

"Totoo pala talaga na umuwi at bumalik ka na Linnea ! Akala ko ay binibiro lang ako ng pinsan mong si Luciel ! . " agad na nahinto ako sa mabibilis kong paglalakad ng may salubong sa akin bigla .

Gumuhit ang matamis na ngiti ko sa matanda na siyang matagal ng mayordoma na nagsisilbi sa mansion at nag alaga kay Luciel ayon na din mismo dito .

"Manang Emilia , Magandang gabi po . " matamis na bati at yakap ko dito na nahihiya pang tanggapin at nag aalangan din .

"Naku , Galing ako sa kusina at abalang abala , Amoy pawis na ako nakakahiya naman sayong bata ka . " natatawang sambit nito na nababahiran nga ng kanyang hiya .

Hindi ko inintindi ang sinabi nito at nakangiti akong humiwalay sa kanya .

"Manang Emilia , Handa na po ba ang lahat ? . " ani Luciel na kasabay ng pumasok si Thurstan ng mapalingon ako .

"Handa na Hijo , Ipapalabas ko na ang mga ito at ng makapag salo salo . " pumalakpak pa ito ng isang beses at nag paalam ng bumalik na muna sa kusina .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon