CHAPTER 38

89 5 0
                                    

"Darating na ang mga magulang namin mamamyang gabi para makasama tayo sa araw talaga ng pasko , Linnea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Darating na ang mga magulang namin mamamyang gabi para makasama tayo sa araw talaga ng pasko , Linnea . " pag papaalam sa akin ni Zivon habang nag aayos kami ng dekorasyon na pang pasko nito sa tambayan .

Napahinto ako sa pagkakabit at pagsasabit ng palamuti sa christmas tree na bahagya ang kalakihan sa akin at sinipatan ito talaga kasabay ng pag ahon ng bahagyang kaba .

"Ahh ? . " hindi maka paniwala kong tanong sa kanya .

"Mukhang kinabahan ka bigla katulad ng pagka gulat ni Marick ng tawagan ko siya kagabi . " pagpapaalam nito at natawa saglit bago ipinagpatuloy na ang pagsasabit ng mga palamuti sa gilid ng inaayos namin .

"Biglaan ata ang pag uwi nila ? Akala ko ba bagong taon na sila makaka uwi ? . " wala sa sarili na pag tatanong ko .

"Dapat , Pero ipinaalam ko sa kanila na may ipapakilala kami ni Ziven sa kanila , Kayo nga kaya gumawa sila ng paraan para maka uwi ng mas maaga dahil ang totoo niyan natuwa sila para sa amin ni Ziven talaga . " masayang sambit nito at kinikilig pa na humarap sa akin at pangggigilan ang pulang laso na hawak nito .

Kinabahan talaga ako bigla , iyan ang nararamdaman ko matapos ipaalam sa akin ni Zivon ngayon ang pag dating ng mga magulang nila at gusto kaming makilala bilang kasintahan ng anak nila .

Naagaw lang nito ang atensyon ko ng tawagin nito ang kapatid na kakadating kasama ang tatlo na may dala dala pang ibang materyales para idekorasyon sa buong paligid .

"Ziven , Sinabi ko na kay Linnea ! . " anito kaya bumaling ako sa kapatid nito habang masuyo naman itong lumapit at humalik sa aking pisngi katulad ng nakasanayan na gawin .

"Naunahan na ako ni Zivon sa pag papaalam sayo , Sasabihin ko sana sayo kanina kaso bigla nila akong hinila para bumili ng kulang na dekorasyon nga ." Pagpapaliwanag nito matapos ilapag ang mga dala .

"Love , Tulungan mo na lang ako dito ." tawag ni Marick sa kasintahan para mag buklat ng ibang kahon na dala dala .

"May binili akong ulo ng usa isabit natin sa dingding dito banda ! . " pagmamalaki ni Nixon .

"Ang ingay mo , Bakit hindi na lang ikaw mismo ang isabit namin dyan ehh hindi naman nagkakalayo ang hulma ng mukha niyo ng usa ? . " kontra at asik ni Thurstan sa galawgaw na kilos ng huli na aligaga sa pag hahanap sa pinamili .

"Natahimik ka ? . " pisil nito sa aking balikat .

Hindi ko tuloy napigilan na hindi mangiwi at aminin sa kanya ang napag tanto sa aking sarili .

"Kinakabahan ako , Parang na blangko bigla ang utak ko . " pag amin ko at may gumapang na hiya talaga sa aking pag katao .

"Ano naman ang ikinakaba mo ? Linnea , Magulang ko iyon at nobya kita . Dumating na yung araw na maipapakilala kita sa kanila kaya kung tatanungin mo ako ngayon kung kinakabahan ako ? Oo din ang sagot ko at iyon ay dahil sa saya . " pagpapaintindi at paliwanag nito at marahan na kinuha sa kamay ko ang palamuting dala ko para matulungan ako sa paglalagay sa christmas tree na kaming dalawa ang bumili ng nakaraan ng lumabas kami .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon