CHAPTER 64

83 4 0
                                    

Ipinasok ko ang lahat ng ipinamili ko sa likod ng sasakyan para sa sorpresang ihahanda ko mamaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinasok ko ang lahat ng ipinamili ko sa likod ng sasakyan para sa sorpresang ihahanda ko mamaya.

Matapos maayos ay agad ko ng binuhay ang makina ng aking sasakyan at may naka paskil na ngiti parin sa aking labi hanggang sa maka uwi.

Gusto kong ipaghanda si Thurstan ng mga pagkain na paborito niya na ako mismo ang gagawa para sa kanya.

Simpleng bagay lang naman kung tutuusin pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa gagagwin dahil sa matagal na panahaon ko ng hindi din ito nagagawa.

Inayos ko ang lahat at sinunod ang bawat detalye ng kaalaman na naalala at ang binabasang libro na tungkol sa pastries at iba pa.

Halos marahan ako sa lahat ng kilos kasabay ang pag iingat wag lang akong pumalpak dahil gusto kong pag uwi niya mamaya ay matuwa naman siya at kahit paano humupa na ang galit niya na ako nga ang may gawa.

Halos ilang oras din akong naging abala sa kusina at ng matapos na ang cake na siyang napili kong ihanda ay mas lumaki ang ngiti ko dahil sa maayos nitong kinalabasan.

Agad kong sinipat ang aking relo sa palapulsuhan at hindi namalayan na halos mag a alas otso na ng gabi.

Nagmamadali akong umakyat sa itaas ng kwarto at nilampasan si Canim na naglalarong mag isa na hinahabol habol ang nahuhulog na bola sa hagdan.

Mabilis akong naligo at nag ayos at bumaba ulit upang ayusin ang lahat sa hapag para sa pag uwi nito at handa na ang lahat.

May kung anong pakiramdam sa loob ko na gusto itong lahat ay magustuhan niya lalo na at ito ang unang beses na ipinag luto ko siya.

Dahil simula ng dumating at mag sama kami dito ay siya lagi ang sa akin ang nag aasikaso .

Kagat labi kong sinipat sipat ang labas mula bintana sa pag aasam na pumasok na ang sasakyan niya.

Ang minutong paghihintay ko ay umabot ng oras at kahit pa nagugutom na ako ay hindi ko iyon ininda .

Hawak ang aking cellphone habang paroon at parito na naglalakad sa sala hanggang sa mapagod at umupo ako para simulan mag tipa ng mensahe na agad ko din binura para sana sa kanya.

Ayon sa oras ngayon ay pasado alasdyes na ng gabi gustuhin ko mang tawagan ito ay animo wala akong lakas ng loob.

Nang miisip ko kung saan maaaring naroon ito ay agad na tumawag na ako at labis ang pasasalamat ko dahil agad sumagot si Zivon.

"Linnea napatawag ka?. " galak na bungad at sagot niya.

"Pasensya na Zivon alam kong gabi na at nagpapahinga. " pauna ko sabay kagat labi.

"Ano ka ba? Ayos lang naman pero sandali bakit nga ba napatawag ka sa ganitong oras? ." Natatawang pahayag niya sa kabilang linya.

"Magkasama ba si Thurstan at Marick ngayon? ." Lakas loob na tanong ko at ayaw ko mang maging tunog na animo hinahap ang asawa ay parang iyon ang naging hatid ng tanong ko sa pandinig ng huli.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon