CHAPTER 14

99 5 0
                                    

Sa unang araw ng pasukan ay hindi naman ganon kabigat ang mga gawain na ipinagawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa unang araw ng pasukan ay hindi naman ganon kabigat ang mga gawain na ipinagawa . Halos ang kalahating araw ay inilaan lamang sa pagpapakilala at pag papaalam ng mga guro kung ano ang kanilang maibabahagi at maituturo sa buong durasyon ng isang taon na pagsasama sa silid aralan na ito .

"Hanggang dito na muna , Ikinagagalak ko na kayo ang seksyon na pagbibigyan ko ng kaalaman at impormasyon sa lahat ng aking nalalaman  . " pagpapabatid ni Ms. Ocampo na bahagya pang binalingan ang kinaroroonan ko .

"Sana lang ay wag masyadong lumaki ang ulo ng isa man sa inyo . Pantay pantay ang tingin ko sa aking mga estudyante at wala akong pinapaburan para maging espesyal . Sana ay nagkakaintindihan tayo sa aspetong ito ? . " hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya at ganon din ito sakin na animo inaantay pa akong tumango na hindi ko naman ginawa kahit na ang ilang estudyante ay nakatingin at nakatutok din ang paningin sa akin .

"Class dismissed . " ngumuwi pa ito bago sabihin ang huling kataga na hudyat na ng pananghalian na pahinga .

Inayos ko ang mga gamit ko upang isalangsang na papasok ng aking bag ng may narinig na naman akong palipad hangin sa hindi kalayuan na ako ang pinatatamaan .

"Tss , Halata naman na siya ang pinariringgan ni Ms. Ocampo imbes na tumango nakipagtitigan at nakipag matigasan pa ." Hindi iyon nakalampas sa aking tenga ko at mabigat ang pag hinga na ginawa ko dahil naririndi na talaga ako sa walang humpay na pag paparinig ng mga ito kahit wala naman akong ginagawang masama para umakto sila ng ganito . 

"Bakit pa kase naiwan dito iyan , Dapat sumama na lang sa ibang mga kasama niya para wala ng sakit sa mata . " dagdag pa ng isa .

May mga tao talaga na galit na galit sayo kahit ang ginagawa mo lang ay ang simpleng pag hinga . Nakakatawa hindi ba ? Nag aaksaya sila ng enerhiya at labis na emosyon sa isang bagay o tao na wala naman pakelam sa sasabihin nila dahil hindi naman iyon mahalaga .

"Wala naman ginagawa sa inyo yung tao . Manahimik nga kayo ! . " nagulat ako ng akmang tatayo na ako para umalis ng makarinig ako ng malakas na tampal sa lamesa at ng balingan ko ay ang babae na nasa likod ko .

"Zivon . Tama na , Rose at Nikki ? Ayaw ko sanang mang himasok pa pero sana wag kayong mag umpisa ng problema na maaring maging dahilan para magalit ako sa inyo ng tuluyan . " napabaling din ako sa mabilis na pag tayo ni Ziven at harapin ang kapatid na nag ngingitngit sa galit sa dalawang babae na namula ang mukha dahil siguro sa pag awat at narinig mula kay Ziven .

"Ayos lang , Wag niyo ng patulan . Ayoko ng gulo . " tipid na awat ko sa mga ito at marahan na binalingan ako ni Ziven na may malambot na ekspresyon sa mukha nito .

"Ano yan ? Nagpapa awa at nagpapa ka inosente ? Pa bida kahit na sa maamo naman nitong mukha ay isa namang bruha ! . " galit at hiyaw ng isang babae na ng binalingan ko ay animo handang balatan ako ng buhay sa nag aapoy ng mga mata nito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon