CHAPTER 13

100 5 0
                                    

LINNEA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LINNEA'S POV

Mabilis na nag daan ang araw , Ang mahigit na dalawang buwan na bakasyon ay nag daan at natapos din na wala man lang paramdam ang aking Mama o pangungumusta kung maayos lang ang kalagayan ko sa bagong bahay na aking pinamalagian .

Nakakalungkot , Pero dapat ay sanay na ako . Hindi ko lang talaga mawaglit sa isip ko ang pananaboy nito at pang aakusa na siyang nagpapabigat talaga ng loob ko ng husto .

"Ma'am Linnea , Nakahanda na ang sasakyan sa labas at hinihintay ka na ni Stefan para maihatid ka na sa eskwela . " pagkatapos kong mabilis na mag almusal ay masayang pinaalam iyon sa akin ni Yaya Dahlia .

Ngumiti lang ko ng tipid at nag tungo na sa labas ng bahay kung saan magiliw na nginitian ako ni Mang Stefan at pinag buksan ng Pinto .

"Nagagalak ako Ma'am Linnea na ako parin ang magiging taga hatid sundo ninyo sa eskwela . " pahayag nito na may halong kagalakan .

Sa dalawang buwan halos na pagtira ko dito ay pupunta lang ito dito sa tuwing tatawagin siya ng Yaya Dahlia para mamalengke o mag tungo man sa kung saan importante .

Madalas ito sa Mansion at madalas na kailangan ang serbisyo ng Mama kahit nandoon naman ang asawa nito para ipag maneho siya .

"Natutuwa din po ako na makita ulit kayo . " tanging nasabi ko at tipid na ngumiti katulad nito bago tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan .

Pagkatapos ay sumakay na din ito sa loob at minaniobra palabas ng malaking gate ang sasakyan habang kumakaway sa gilid sa amin si Yaya Dahlia habang tinatanaw ang aming pag alis .

Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa harapan ng Eskwela , May kung anong kaba ang umahon sa puso ko at animo hudyat iyon na pagkatuwa dahil muli kong makakasama at nakikita ang aking mga kasama matapos ang bakasyon nga .

Magalang na nag paalam na ako kay Mang Stefan at nag lakad na sa mahabang entrada ng paaralan .

"Gaganahan na naman ako nito , Unang araw pa lang ng pasukan ! Whooo ! . " hiyaw ng kung sino man sa naka lupong na grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan habang ramdam ko ang nanunuoot na titig sa akin ng mga ito .

"Pasikat na naman . Kung saan marami ang lalaki doon dumadaan . " nasundan pa ng isang palipad hangin ng isang babae ng marinig ang hiyaw ng lalaki na aking nadaanan kanina lang .

Patuloy lang ako sa aking paglalakad at hindi inabala ang sarili na sila ay lingunin katulad ng nakasanayan .

Wala din naman akong mapapala kung papatulan ko ang pagpaparinig nila dahil mag aaksaya lang ako ng lakas sa mga walang katuturan na bagay .

Imbes na magalit o ano pa man ay mabilis na nag tulak na lang ako sa aming naiibang silid aralan habang narinig ko parin sa ibang estudyante na aking nadadaanan ang tuwa at lungkot sa pagbubukas ulit ng klase .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon