CHAPTER 26

102 5 0
                                    

Umapak ang huling buwan ng pasukan kung saan sinusulit na ng iilang mga guro ang pag papahirap sa mga mag aaral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umapak ang huling buwan ng pasukan kung saan sinusulit na ng iilang mga guro ang pag papahirap sa mga mag aaral .

"Ang gagawin niyo lang sa natitirang durasyon na natitira sa mag hapon ay mag linis at mag pulot ng mga basura . " pahayag ni Mrs . Ocampo sa nakangising paraan .

Umangal at nagbulungan ang iilan pero sa huli wala din naman nagawa para tumanggi at nag patianod na lang sa utos ng guro .

"Patapos na ang klase gagawin pa ata tayong mag bobote . " angal ni Nixon na nag patawa sa aming lahat habang kanya kanya ng bitbit ng plastic bag na paglalagyan ng mga kalat na makikita namin sa buong eskwela .

"Alala ko pa naman kasama natin ang ibang seksyon , Galit talaga satin si Mrs. Ocampo at tayo pa talaga ang napili para ipagawa ito . " pagrereklamo ni Marick na pinagpag pagpag pa ang dalang plastic bag .

"Wala naman na tayong magagawa . Pag bigyan na natin siya . Hindi naman ito ganon kasama bagkus ay nakakatuwa . " singit ni Ziven sa aking tabi at ng sulyapan ko ay bahagya pang kumindat sa akin .

"Lahat na lang ng bagay sayo nakakatuwa ! Hindi halatang inlove na inlove ka nga ! . " pang aasar ni Zivon na ikina rolyo ng mga mata nito saglit at ngumuso .

"Wala naman masama mag pulot at mag ipon ng mga basura , ayos lang basta kasama ko si Linnea . " nginitian nito ang mga kasama namin sa likod at itinaas ang dalawang kamay para ilagay sa batok .

"May pag ibig sa pagpupulot ng basura . " dagdag ni Nixon na ikinangiwi ko na lang pero natatawa naman .

Nagpatuloy kami sa nakatakdang gawain habang ang iba ay pauwi na kami naman ay abala sa paglilinis ng kapaligiran na siyang sa amin ay nakatoka .

"Zivon , Doon tayo mag simula . Masyadong marami na tayo dito . Mas mapapabilis kung mag hihiwalay tayo hindi ba ? . " anunsyo at utos ni Marick at mabilis na kinuha ang plastic bag ni Zivon na wala parin laman hanggang ngayon .

"A-ayoko ! Dito lang ako . " tanggi ni Zivon na nakayuko pa at may tangkang pupulutin habang pare pareho kaming may mga gloves na suot sa kamay namin .

"Tara na , mag kanya kanya na tayo para maka rami na at ng maka uwi na . " pang hihila ni Thurstan kay Zivon at wala ng nagawa ang huli ng hilahin na siya ng huli .

"Sige , Doon na kayo ako na dito . " nguso ni Nixon kay Marick na tinititigan ng seryoso ang huli animo sinesenyasan na sumama na din .

"Manahimik ka , Sumama ka na din . Mas marami ang kalat don kailangan ka namin . " akbay na mabilis at hila palayo ni Marick dito kaya nakangiwi na lang na napasunod din ito .

Nagkatingin at nagkangitian na lang kaming dalawa ni Ziven sa inakto ng mga umalis dahil napaghahalataan naman na gusto lang naman nila kaming iwan nito na dalawa .

"Parang mas maraming kalat sa soccer field ? . " pahayag ko at bago pa maka sagot ito ay nag patiuna na ako sa paglalakad .

Agad na narinig at naramdaman ko ang pag sunod nito dahil marahan na kinuha nito ang plastic bag na dala ko na may laman na napulot naming kalat para ito na ang mag buhat kahit may laman din naman ang sa kanya.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon