CHAPTER 28

87 5 0
                                    

Ang dalawang buwan na dumaan at naging bakasyon ay ang pinaka masayang mga araw na masasabi kong nag daan sa buhay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang dalawang buwan na dumaan at naging bakasyon ay ang pinaka masayang mga araw na masasabi kong nag daan sa buhay ko .

Walang araw na lilipas na hindi kami magkasama ni Ziven .

Yung pakiramdam na pag gising sa umaga siya ang magiging dahilan ng magandang ngiti sa mukha ko at ganon din ako dito .

Sa pagsapit naman ng gabi ay mag uusap kami ng mga kung ano ano mang mga bagay na napaka babaw lang naman kung tutuusin pero malalim ang pakiramdam na naihahatid sa akin .

Sa unang pagkakataon ng buhay ko .
Ito ang masasabi kong pinaka tamang desisyon na ginawa ko .

Ang papasukin sa buhay ko ang nag iisang tao na nagiging dahilan ng mga kasiyahan ko .

Matapos namin umakyat ng bundok ay nag sunod sunod na ang mga aktibidad na aming mga ginawa kasama ang iba upang maging masaya at makabuluhan ang bawat araw na nag daraan sa aming bakasyon .

"Good morning Quake ! . " bungad at magandang bati nito sa akin ng maihatid at maibaba na ako ni Mang Stefan sa harapan ng eskwela .

Napakurap kurap ako bigla sa tawag nito sa akin at napa amang bahagya ang bibig ko dahil bigla kong naalala kung bakit ako nito tinawag na Quake at ano ang ibig sabihin no'n para dito .




-flashback-






Sa mahabang oras na nilakbay at sa layo ng inakyat namin ay narating na namin ang pinaka dulo ng mount pulag na halos labing isang oras ang naging pag hihirap na lakbayin .

"Nilalamig ka pa ba ? . " alalang tanong sa akin nito habang inaayos ang jacket ko habang hinihintay namin ang pag sikat ng araw na siyang kapanapanabik na madadasnan namin .

"Ayos na ako , Pasensya ka na kung ang dami mong hirap para alalayan at pasanin lang ako maka rating lang tayo dito . " nahihiyang sambit ko dahil ang totoo talaga niyan ay madalas kaming napag iiwanan at nahuhuli sa paglalakad habang nauuna sa harapan ang tour guide na aming mga kasama habang matyaga naman sina Thurstan at Darcell isama pa ang napaka sigla talaga sa pag akyat na si Nixon .

"Bakit ka naman hihingi ng pasensya ? Ginawa ko iyon dahil iyon ang tama at dahil mahal kita at ikinakasaya ng puso ko ang bawat sandali na mapag lingkuran ka . " masuyong sagot nito ng matapos ayusin ang jacket ko ay inayos naman ang hibla ng aking buhok at inipit sa likod ng tenga ko na madalas nitong ginagawa .

Sa pag akyat namin dito ay hindi talaga naging madali ang lahat .

Hindi ako sanay at ito ang unang beses na aakyat ako ng bundok at talagang hindi ko naisip na ganito pala kahirap ang aking dadanasin .

Ayaw ko man maging pabigat ay laging napapahinto ako sa paglalakad dahil sa sakit ng binti ko at lagi naman itong naka alalay sa tabi ko .

Kapag naman mag daraan kami sa mababaw na sapa na may parte ng malalim ang tubig ay aalalayan ako nito para makatawid kaming dalawa .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon