CHAPTER 18

110 5 0
                                    

Inayos ko ang aking gamit para mag tungo sa library kasama ang iilan upang pag aralan at isulat ang iilang mahahalagang bagay na maaaring itanong sa pag sususlit sa amin kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inayos ko ang aking gamit para mag tungo sa library kasama ang iilan upang pag aralan at isulat ang iilang mahahalagang bagay na maaaring itanong sa pag sususlit sa amin kinabukasan .

"Kumain muna tayo ng meryenda Linnea , Maaga pa naman at hindi naman agad mag sasara ang library dahil bukas iyon hanggang mamayang alas syete ng gabi . " anyaya sa akin ni Zivon ng akmang ako ay tatayo na .

"Sige , Nakakaramdam na din naman ako ng gutom . " pag payag ko sa paanyaya nito .

"Konti lang kasi ang kinain mo kaninang tanghalian . " pahayag na pag papaalala at pag aalala ni Ziven na tinulungan pa akong mag ayos ng gamit ko na animo kailangan laging dapat na tulungan ako .

Sanay na ako sa mga kilos at pang iintindi na mga gawain nito pero pakiramdam ko ay mananatili na laging bago sa akin ang mga iyon .

Imbes na sumagot ay ngumiti na lang ako sa bawat gingawa nito bilang ganting pasasalamat dito .

Tumayo na kami pag katapos at sa pag tama ng aking mata sa iilan ay nakatingin at naka masid sila sa gawi namin ni Ziven at katulad ng nakasanayan ay animo nanunundyo ang mga ito .

"Kailan ba kayo aamin na dalawa ? . " hindi minsan na naitanong sa amin ng isa sa aming kamag aral at sa tuwing babalingan ko si Ziven katulad ngayon ay hindi ito mapakali habang namumula ang kanyang mukha . 

"W-wag mo silang intindihin at sana wag kang mailang sa akin , Hmm . .  Tara na . " nahihiyang paanyaya nito at nag patiuana na sa pag lalakad na marahas pang hinila ni Marick at may ibinulong na kung ano .

"Kapag kayo na ,  Dapat ako ang unang makaalam ahh ? Wag kang mag sisikreto ! Maliwanag ? " paninimula na namam ni Zivon na marahan pang sinundot sundot ang tagiliran ko kaya hindi ko mapigilan ang pag iwas at matawa kaya nabunggo ko si Thurstan na papalabas na din sana ng maapakan ko ang paa niya .

"Pasensya na , Hindi kita napansin . " paumanhin ko at itinaas pa ang dalawang kamay dahil kagat labi itong tumingin sa sapatos na puting puti at halatang bago na nag karaoon ng dumi dahil sa pag ka ka apak ko .

Lumunok ako at handa ng sigawan at pagalitan nito dahil base sa ekspresyon ng mukha nito ng marahan na inangat ang paningin sa mukha ko mula sa paanan nito ay animo ayaw ipadapo sa ano mang mikrobyo at alikabok ang sapatos nito .

"Paano mo mapapansin , Sa iba ka naman nakatingin . " bulong nito at inikot pa ang mga mata at iniwas ang mukha sa akin .

"Hindi ko namalayan na daraan ka sa likod ko , Iniiwasan ko lang si Zivon . Pasensya na kung nadumihan ko ang sapatos mo . Hindi ko talaga sinasadya . " tinignan ko ulit ang sapatos nito na may bahid ng dumi at ibinalik sa mukha nito ang aking tingin ng marinig ko ang marahas na pag buntong hininga niya bago tumango ng marahan na animo nagpapabatid na hindi na ito magagalit .

"Kung siguro iba ang naka apak niyan , Mananapak yan . Pero dahil ikaw si Linnea patatawarin ka niyan dahil alam niyang hindi niya iyon magagawa sayo dahil si Ziven ang makakalaban niya . " natatawang sambit ni Zivon sa gawing gilid ko at bahagya pang sinuyod din ng tingin ang sapatos ng huli habang natatawa pa ng bahagya  .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon