CHAPTER 35

81 6 0
                                    

Katulad ng inaasahan ko , Unti unting nalusaw ang malamig na pakikitungo ni Ziven sa dalawa matapos ng aming pag uusap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Katulad ng inaasahan ko , Unti unting nalusaw ang malamig na pakikitungo ni Ziven sa dalawa matapos ng aming pag uusap .

"Pumunta ka sa bahay bukas . " baling ni Ziven kay Marick na hindi nagawang patuloy na manguya ang kinakain ng balingan siya ng huli .

"Ziven . " hindi makapaniwalang sambit ng kanyang kapatid .

"Diba sinabi ko sayo na kung may magugustuhan ka nga ay dalhin mo agad sa bahay at sa akin na ay ipakilala ? ." Pagpapaalaa nito sa kapatid na bahagya ng dahan dahan na sumilay ang ngiti sa kanyang labi .

"Pupunta ako , Ipapakilala ko sayo ng maayos ang sarili ko at baka sakaling mag bago ang maaaring masamang impresyon ng nakaraan ko sayo ." Nag tanggal muna ng bara sa lalamunan ito at seryosong binalingan si Ziven .

"Imbitado din kayo , Magpapahanda ako ng iihawin , Katulad ng nakasanayan nating gawin . " paanyaya nito bago tumitig sa akin para ako ay pagtaasan ng kilay saglit na animo pinapabatid na hindi na ako dapat mabahala pa dahil pakikinggan niya nga akong talaga .

"Iyan ang gusto ko sayo Boss Ziven ! Ang bait mong tao ! Kung ako siguro iyan kakalbuhin ko si Marick katulad ng nakasanayan na parusa tanda niyo ba ? . " sarkamong pang aasar ni Nixon na ikina hinto sa pag kain ni Marick at sinulyapan ng may pagbabanta ang nang iinis na si Nixon .

"Kahit kalbo pa iyan mahal ko iyan . " pagtatanggol ni Zivon na ikina ubo naman saglit ni Matick at pa simpleng sinulyapan ang tahimik na si Ziven na nakikinig kay Nixon at naka baling .

"Palagay mo ? . " patol nito sa suhestyon ni Nixon .

"Ziven naman . . " nanghihinag tawag ni Marick at animo nakasalalay ang buhay sa huli .

"Oo para maranasan niya ang makl--." Hindi natuloy nito ang pag sasalita ng tapalan ng malaking hiwa ng manok ni thurstan ang bibig niya .

"Pabida ka na naman ehh , Kumain ka na nga lang ng kumain . " sita nito sa huli at animo tupa na nanahimik din .

Natawa kami sa itsura ni Nixon ng hindi na maka imik muli ito kabilang si Ziven .

Napanatag tuloy lalo ang puso ko at talagang nawala na ang pangamba ko .

Bahagya kong sinulyapan si Thurstan at bahagyang tinanguan tanda ng aking pasasalamat sa mga sinabi nito sa akin ng nakaraan .

"Mukhang nag kakasiyahan kayo ? Ayos lang naman siguro kung tumabi muli ako sa inyo ng ganito . " agad na pag lipat ni Darcell sa gawi namin .

"Sumama ka bukas ahh ? Sa bahay nina Ziven kakalbuhin namin si Marick . " imbita at hindi matapos tapos na suhestyon ni Nixon sa pangangalbo sa huli .

"Anak ng  pugo ! . " pang hihila ni Marick sa tenga ng huli na kinailangan pang yakapin saglit si Zivon para maka tawid .

Nahinto lang ito sa ginagawa ng makarinig ng pag tikhim saglit ni Ziven .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon