CHAPTER 37

111 5 0
                                    

Huni ng mga ibon ang narinig ko kaya nagising ako sa isang panaginip na sa pag dilat ng mga mata ko ay hindi ko na maalala ang detalye

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huni ng mga ibon ang narinig ko kaya nagising ako sa isang panaginip na sa pag dilat ng mga mata ko ay hindi ko na maalala ang detalye .

Natanaw ko habang dahan dahan na iminumulat ko ang aking mata ay mga ibon na aking nasulyapan na nasa hamba ng aking bintana dahil hindi ko pala ito naisara .

Kumilos ako ng bahagya para ako ay maka bangon na at mag tungo sa gawi ng bintana para ito ay maisara ng mag liparan na ang mga ibon na narroon nga .

Unang araw ng apak ng buwan ng nobyembre ay nadama ko na ang lamig ng hangin na hinahatid ng mabilis na pag palit at pag apak ng huling buwan ng taon .

Bahagya muna akong muling Napa pikit na huninga at ngumiti ng payapa .

Maganda ang sikat ng araw at tama lang ang kalat ng ulap sa kalangitan .

Sa aking bahagyang pag mumuni muni ay tumunog ang aking cellphone at alam na alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin ngayon kahit hindi ko pa silipin ang pangalan sa screen ng aking cellphone ng panglan na naroon .

"Magandang umag . " pauna ko ng bati dito habang inayos ang iilang hibla ng buhok at tamad na pumasok sa loob ng aking banyo upang i loud speaker ang aking cellphone para maka usap parin ito habang nagtatangka ako na mag sepilyo .

"Ang ganda naman ng bati ng Quake ko , Maganda ang gising natin ngayon pareho . " nanunuksong tono nito .

Ngumiti ako sa repleksyon ko sa malaking salamin bago salinan ng tooth paste ang toothbrush ko .

"Mamaya na tayo mag usap ah ? Mamaya mo na ako kulitin ng kulitin hanggang sa mga sawa ka dahil ngayon ay maghahanda muna ako para sa ating pagkikita . " paalam ko dito .

Bago maloko na pinatayan ito ng tawag at baka hindi na matapos ang pangungulit nito dahil mas sabik at masaya pa talaga ito sa akin ngayon ng husto .

Sa unang pagkakataon siguro ay ngayon lang ako talaga naging masaya ng ganito para lang sa pag sapit ng kaarawan ko .

Natatawa ako ng bahagya tuwing maaalala na hindi iisang beses kundi hanggat may pagkakataon ay tinatanong ako palagi nito kung ano ang regalo na gusto kong matanggap mula dito .

Ang halos kalahating durasyon ng araw na ito ay inabala ko ang aking sarili sa paghahanda kung ano ang isusuot ko at nakakaba dahil ngayon lang ako sa buong buhay ko ganito kung mataranta .

Hindi ko tuloy namalayan na nag daan na ang tanghalian at tinawag na ako para bumaba ni Yaya Dahlia para mag tanghalian na .

"Maligayang kaarawan sayo Hija ! ." Masayang bati at salubong nito sa akin .

"Salamat Yaya Dahlia . " magiliw na pag tugon ko at sabay na kaming nag tungo sa mahabang lapag nito .

Natuwa ako ng husto ng mag handa ng napakarami ito at talagang espesyal talaga ang mga inihain sa mesa .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon