CHAPTER 57

87 4 0
                                    

"Kanina pa kita hinihintay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kanina pa kita hinihintay.  " ngising aso pa nito sa akin habang sapilitang hinihimas ang pusa na kanina pa gustong kumalawa sa duguan niyang mga kamay na napagtagumpayan na ngang ngayon ay makatakas. 

Labis ang aking sindak at takot na nadarama at hindi ko na kailangan pang mag isip kung sino ang gumawa nito Kay Yaya dahil sa duguang mga kamay niya ay nasagot na ang lahat. 

"A-anong ginawa mo kay yaya ! " garalgal na hiyaw ko. 

"Pinagpahinga ko na ang daming satsat.  " balewalang sagot nito na animo hindi tao ang kausap. 

Sinubukan kong tumayo pero pawang urong lang ang nagagawa ko sa papalapit na papalapit na distansya nito na kinatatakutan ko. 

"Hayop ka Jacee ! H-hayop ka!  . " sigaw ko. 

Ang ngisi nito ay mas naging malaki. 

"Bakit ba atras ka ng atras?  Ang tagal nating hindi nag kita Linnea. " itinagilid nito ang ulo sa nakakalokong paraan at ilang hakbang na lang ay tuluyan na siyang makakababa ng hagdan. 

Samantalang ako ay walang lakas para tumayo at lumayo para tumakbo sa panganib na dala niya. 

"Mamili ka?  Lalapit ka o ako ang lalapit para mas masaya?  . " tanong nito bago dinilaan ang pang ibabang labi sa nakakahindik at nakaka kilabot na paraan kaya mas lalo akong naiyak. 

"Wag kang l-lalapit!  . " banta ko pero hindi sapat iyon para matakot siya dahil mas tumawa siya ng mas malakas .

"Kapag lalo akong tinutulak palayo mas lalo along nasasabik na lumapit alam mo ba iyon?  . " anito. 

Sinusubukan kong kumalma para makaipon ng lakas at tuluyang maka alis na. 

Pero sa panginginig at gimbal ko at sa basang likido na nasa damit at naka marka sa palad ko ay parang napaparisa ako. 

Ayaw kong maalala sa ganitong sitwasyon ang pagkakasaksi ko sa pagkawala ng aking ama. 

Ayaw kong maalala mababaliw ako at mapapahamak ngang talaga. 

"Wala ka bang naaalala?  Nangyari na ito noon tanda mo ba? ." Tanong niya matapos tuluyang makababa ng hagdan at huminto para lang animo may masayang alala siyang gutsong balikan. 

Ang itusra nito ngayon ay parang hindi ka gagawan ng kabutihan. 

Mukha itong lulong sa kung ano man at iyon ang tiyak ko dahil sa lagi niyang pag tawa at idagdag pa ang mamula mula niyang mga mata. 

Hindi ako umimik at itinakip ang aking palad sa aking tenga habang humihikbi ng walang sawa. 

"P-papa. " impit na tawag ko. 

Bumaling baling ako sa kapaligiran at sumubok na tumayo pero natumba parin ako at mas nadama ang dugo sa aking katawan. 

"Ahhhhhhhhhhh!.  " sigaw ko ng Hindi na makayanan dahil sa rumaragasang ala ala bigla na matagal ko ng kinalimutan. 

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon