CHAPTER 2

231 11 46
                                    

"Bakit ngayon ka lang ? Hindi ba't dapat ay nandito kana kanina pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ngayon ka lang ? Hindi ba't dapat ay nandito kana kanina pa . ?" bungad sa akin agad ng aking Mama na nakatunghay sa akin habang marahan na bumababa sa hagdan .

"Biglang bumuhos ang malakas na pag ulan kaya wala kaming magawa kundi mag antay sa pag usad ng mga  sasakyan na naantala at hindi makapag paandar ng mabilis dahil sa madulas na daan  ."  tamad na nag lakad at humakbang ako papanhik sa hagdan habang aking sinasagot sa patlang na emosyon ang kanyang naging katanungan .

"Hindi mo na nadatnan ang Tito Jacee mo ." Humalukipkip pa ito na akin na lang ikinawalang bahala .

"Aakyat na ako sa aking kwarto Mama . Ayaw ko ng makarinig ng kung ano man tungkol sa kanya . " sumulyap lang ako sa aking Mama na nag susumigaw parin ang kabataan at kagandahan sa mukha at katawan sa  edad nitong saradong trenta .

Nakita ko ang pag taas nito sa isa nitong kilay at akmang lalagpasan ko na ito upang makaakyat na ng tuluyan sa aking sariling kwarto ng maramdaman ko ang pag pigil nito sa aking braso .

"Wag mong sinasagad ang pasensya ko Linnea , anak lang kita kaya wag mo akong utusan na animo hindi ako ang dahilan kung bakit ka buhay at humihinga . " matalim ang tono ng pananalita nito na hindi ko naman ikinagulat lalo na ng mas maramdaman ko ang gigil na pag baon ng kuko nito na maaaring mag pamula sa aking balat .

Sinulyapan ko ito ng malamig na tingin at hindi na ako nagtaka sa umaapoy nitong mga mata  .

"Madam Erela , Handa na po ang mahabang hapag para sa inyong dalawa ni Ma'am Linnea . " hindi parin inalis ng aking Mama ang nag babaga nitong tingin na tutok na tutok sa aking mga mata kahit na sumingit na at animo sinasadya na pumagitna ng pinaka matagal na mayordoma na nanilbihan sa aming mansyon na aking kinalakihan at nag mistulang ito ang sa akin ang nag alaga habang abala ang aking Mama sa naging mga asawa niya matapos mamatay at mawala ng aking Papa .

"Alam na alam mo talaga kung paano sumingit at umiksena Dahlia . " pasaring ng aking Mama na ikinayuko naman ng may katandaan na ding mayordoma na malapit sa aking loob .

"Pasenya na Madam , Hindi naman po sa pang hihimasok at pangengelam pero sinusunod ko lang po ang habilin niyo na tawagin kayo kapag handa na ang mesa . " pahayag ng huli na mababakas sa tono ang pag papaunawa .

Tinanggal ng aking Mama ang kamay ng matuwa at makuntento na itong matagal na gigil na naka baon sa aking braso .

"Sumunod ka na at may pag uusapan tayo . " tumirik pa ang mata nito at taas noo na tinaliluran na ako .

Gusto ko man na umakyat at magpahinga  dahil wala naman talaga akong gana ay napilitan na akong umikot para sumunod at bumaba dahil alam kong hindi ito titigil hanggang hindi nasusunod ang bawat salita .

"Ipag iinit na kita ng panligo mo sa itaas para makaligo ka na pagkatapos mong kumain Linnea . " bulong sa akin ni Yaya Dahlia ng aking marahan na ngitian at lampasan kasama ang iilang taga silbi na nakatayo sa mahabang mesa .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon