CHAPTER 63

66 5 0
                                    

Pag apak pa lang ng paa ko sa unang baitang matapos naming bumyahe ng walang imikan sa pag uwi ay agad din itong nag salita na ikinahinto ko saglit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pag apak pa lang ng paa ko sa unang baitang matapos naming bumyahe ng walang imikan sa pag uwi ay agad din itong nag salita na ikinahinto ko saglit.

"Linnea sandali lang. " tangkang pag pigil niya.

Lumingon ako sa kanya at malamig siyang tinitigan na nagpapahiwatig na wala akong balak o nais mapag usapan.

"Thurstan , Pagod ako. Gusto ko na munang magpahinga. " dahilan ko upang hindi na humaba pa ang usapan at mas naisin na idaan nalang sa pag tulog ang lahat wag lang siyang harapin dahil natatakot ako sa aking nararamdaman.

Nakita ko ang pag rehistro ng pag papaubaya sa kanyang mga mata bago marahan na tumango at walang pag tutol na akong muling hinayaan sa pag hakbang.

Dama ko ang paninitig niya habang ako ay pinagmamasdan sa pag akyat pero hindi ko na muli pa siyang sinulypan.

Wala sa sarili na napabuntong hininga ako ng makarating at makapasok sa aming silid.

Sa sobrang pag iisip ko ng kung ano ano ay sumasakit lamang ang aking ulo.

Pinasya kong maligo at baka sa pamamagitan noon ay kumalma ang sistema ko na hanggang ngayon ay hindi matantya.

Animo nabigo ako dahil kahit ang maligamgam na tubig na umaagos ngayon sa katawan ko ay hindi mapawi ang emosyon na nais kong itago.

Lumabas ako matapos madaliang naligo at mag bihis ganoon din sa pagpapatuyo ng aking buhok.

Umakyat at humiga na ako sa kama pagkatapos upang makatulog at maiwasan siya. 

Ang plano kong pag iwas ay panandalian lang pala dahil namulat at nagising ako sa pagkakaidlip sa masusuyong halik niya sa aking pisngi habang naka dagan siya ng patagilid sa akin.

"Nakapag luto na ako ginising na kita para sabay na tayong mag hapunan dahil ayaw kong kumain mag isa.  " bungad niya sa akin sa marahan na pananalita habang banayad pang inaayos ang buhok ko wag lang matakpan ang aking mukha na tinititigan niya.

"Busog ako gusto ko lang matulog. " pinal kong sagot at marahas na tinalikuran siya na ngayon ay naka pwesto na ako ng patalikod sa kanya. 

"Ganon ba?  Gutom pa naman ako at gusto kong kasabay kita ." Malungkot biglang tono ng boses niya na bakas ang labis na pagka dismaya.

"Nagluto ako para sa ating dalawa. Pero dahil ayaw mo nga hindi na lang din ako kakain  ." Aniya matapos kong maramdaman na inayos niya ang sariling pagkakahiga .

"Anong ginagawa mo?  . " asik ko sa kanya at bumangon bigla. 

"Matutulog na ? Ayaw mo naman kumain diba. " sagot niya at ambang papatayin ang ilaw sa lamp shade na nasa gilid niya ng awatin at tumayo ako ng padarag kaya nahinto siya.

"Kung gutom ka kumain ka. " inyos ko lang saglit ang damit kong pantulog bago nauna ng bumaba sa kanya at hindi muling tinapunan ng tingin.

Pumunta ako sa gawing kusina at bago pa tuluyan na maka upo sa silya ay naka sunod na pala siya sa akin upang agaran na pag silbihan ako.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon