CHAPTER 30

98 5 0
                                    

Pumara agad ako ng unang taxi na aking masalubong pag labas ko ng subdibisyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumara agad ako ng unang taxi na aking masalubong pag labas ko ng subdibisyon .

Tinanong ng driver kung saan ako ibaba nito at ang unang lugar na sinabi ko ay ang tambayan .

Nararamdaman ko ang pag bigat ng mga mata ko sa napipintong pagluha pero pinapanatili ko itong hindi pumatak dahil mahihirapan akong pigilan pa .

Wala sa sarili na kinapa at kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at kagat labi na hinanap ang pangalan ng isang tao na nais ko ngayong makita para kahit paano man lang ay meron akong masandalan at malapitan .

"Linnea , Naunahan mo ako sa pag tawag . Ako sana ang tatawag sayo dahil hindi ka nag re reply sa mga mensahe na ipinadala ko . " sambit agad na bungad nito pero hindi naman mahihimigan ang pag tatampo kundi pawang pag aalala lang ang mabobosesan mo .

Meron ngang mensahe akong nakita mula dito pero hindi ko na muna iyon pinansin at binuksan dahil gusto kong marinig ang boses nito agad .

"P-pasensya na , Hindi ko agad nabasa . " pag tatanggal ko ng bara muna sa lalamunan ko ng ako ay sumagot dito .

"Bakit ganyan ang boses mo ? Namamalat ka ? May sakit ka ba ? Ayos ka lang ba ahh Linnea ? ." Mas lalong dumoble ang pag aalala sa boses nito kaya labis ako ngayon na nakonsensya at bakit natawagan ko pa siya .

Pero sino ang lalapitan ko ? Sino ang tatawagan ko ? Kung siya lang naman ngayon ang alam kong meron ako .

"Z-Ziven . " tawag ko sa pangalan nito .

"Pwede ba kitang puntahan sa bahay niyo ? Kahit ngayon lang ? Kahit sandali lang ? Masiguro ko lang sa sarili ko na ayos ka lang . " tanong nito na mababakas ang hindi pag suko o hindi mo man maaawat kahit tumanggi ka pa ngayon dito at kahit patanong pa ang pagkakasabi niya .

Kilala ko ito , Kilala ko siya . Kapag ganito na ang tono ng boses niya alam kong hindi na ako makakapag tago pa sa kanya .

"Abala ka ba ngayon ? . " baling ko sa labas ng bintana at wala sa sarili na nahaplos ko ng marahan ang salamin ng taxi na aking sinasakyan sa nanginginig ko pang mga palad na akin ngayon na napuna .

"Pinapakaba mo ako , Hindi . Hindi ako abala pag dating sayo . Ibababa ko na ito at pupuntahan na kita Linnea . " seryosong pagpapaalam nito at marahan na umiling iling pa ako na anino makikita nito ang ekspresyon ko .

"W-wala ako sa bahay , Papunta ako ngayon sa tambayan . Doon na lang tayo mag kita ahh ? . " namamaos at namimiyok na boses ko na alam kong ramdam na nito na maiiyak na ako .

"Sige , Papunta na ako , Pupuntahan kita diyan ora mismo . " Pagkatapos non ay mabilis na ibinaba na nito ang linya .

Mabigat talaga ang pakiramdam ko ngayon at kahit ipikit ko pa ng mariin ang aking mga mata ay pawang ang imahe lang ng aking Mama at ang aking nadatnan niyang kalagayan ang pumupuno sa aking kaisipan .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon