CHAPTER 60

106 4 0
                                    

Pagpasok palang namin sa loob ng kabahayan ng mag asawang Zivon at Marick ay agad na sinalubong na ako ng talon at yakap ng kambal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok palang namin sa loob ng kabahayan ng mag asawang Zivon at Marick ay agad na sinalubong na ako ng talon at yakap ng kambal.

"Ninang ! " Bakas ang galak nilang dalawa at mabilis naman akong yumuko para ngitian sila.

"Nandito din si Tito pogi ohh!." Pang aagaw pansin no Thurstan sa dalawa dahil animo walang balak na pansinin ang isa.

Animo walang narinig ang dalawa at mas lalong naging magiliw pa sa akin nga.

"Tita miss na po namin kayo! ." Malambing na saad ni Addison.

Ngumiti ako ng matamis at hinalikan ang pisngi nilang pareho.

"Akit po kasma si Tito Panget ?. " nagtatakang tanong ng naka kunot pang noo na si Aiden na animo ayaw makita ang huli.

Tumikhim si Thurstan at nangisi na katulad ko ay nakayuko sa kambal at bakas sa mukha nito ngayon ang kalabisan na gustong inisin ang dalawa.

"Gwapo kasi ang Tito Thurstan kaya sabi ng Ninang gusto niya akong kasama. " sagot nito kaya bumusangot ng husto ang huli kaya iyon ay ikinatawa nito.

"Thurtsan wag mo ngang inisin ang dalawa. " suway ko sa kanya at hinarap ang dalawa at nginitian lalo ng matamis.

Tumayo na ako at ginaya ang dalawa papunta sa sala kung saan nag aayos si Rose sa mga laruan na ikinalat ng dalawa .

"Naku nandito na Pala kayo Ate at Kuya tatawagin ko lang sina Ma'am Zivon at Sir Marick ahh. " tarantang saad nito na hindi malaman kung ano ang uunahin.

"Aiden at Addison. " tawag pansin ni Thurstan sa dalawa na hawak hawak parin ang aking kamay na ngayon ay naka upo na kami sa sofa na sa paligid ay puno ng mga laruan na kalat nila.

Nakuha ni Thurstan ang atensyon ng dalawa at ako din naman ng mag dikwarto ito sa harap ko pero sinipatan ng tingin ang kambal na parehong nasa gilid ko.

"Hindi ba tinuruan kayo ni Tito na kapag natapos na kayong mag laro ay ililigpit niyo din ang mga laruan niyo?" pagpapangaral niya sa dalawa na nagsitinginan pa sa paligid.

"Kawawa naman si Yaya Rose Hindi ba? Paano kung magkasakit siya ? Hindi na siya makakapag trabaho wala na din pambili gatas yung baby niya diba?." Seryoso na saad nito pero lamang ang pang uuto dahil pinalungkot pa nito ang mukha para maging makatotohanan na wala din akong ideya kung iyon ba ay totoo o gawa gawa niya lang.

"Oo nga ligpit at tulungan natin si Yaya Rose Addi! . " nabuhayan na kasipagan na sambit ni Aiden sa kapatid.

Tumago ang huli at mabilis silang nawala sa aking tabi upang kunin ang kahon na pinaglalagyan ng kanilang mga laruan at sa isang iglap ay naging abala na silang dalawa sa kalat na sila mismo ang lumikha .

"Kaya mo pala silang utuin ng ganon. ? " pasaring ko dito habang malaki ang ngiti ang naka paskil sa labi habang tinatanaw ang dalawa.

"Hindi pang uuto iyon , Tinuturuan ko lang silang maging responsable gusto kong dalhin nila iyon at kalakihan nila. " tapat na pahayag niya na ikinagulat ko pa dahil hindi lang pala pang aasar ang alam nito.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon