CHAPTER 73

124 6 0
                                    

Para bang pinag bagsakan ako ng langit at lupa matapos tumambad sa akin ang penthouse ng wala siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Para bang pinag bagsakan ako ng langit at lupa matapos tumambad sa akin ang penthouse ng wala siya .

Malaking kahungkagan sa akin na hindi siya makita habang siya ay para bang sadya na ang sa akin ay pag iwas na pinangangatawan talaga na ako may palayain na .

Pagka hapo ang aking nadama ng maupo sa sofa at kahit si Canim man dito ay wala .

Hindi ako mapakali at nag lakas loob na tawagin si Thurstan at mag pasyang mag hintay dito kahit pa walang bakas ng damit niya ang nasa tokador at yung sa akin na lang ang natira. 

Halos manlumo ako dahil hindi ko matawagan ang numero nito dahil nakapatay ang kanyang cellphone .

Kagat labi kong pinagmasdan ang lahat ng sulok ng naging aming tahanan at lahat doon ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako naging masaya kasama siya kahit kailanman ay hindi ko iyon naamin sa kanya .

Animo mababaliw ako sa bawat lumilipas na minuto o mga oras pa na hindi kami nagkaka unawaan talaga .

Yumuko ako at marahan na pinisil ang umbok sa aking tiyan upang kausapin ang aming munting anghel .

"Hahanapin natin ang Daddy kaya tulungan mo si Mommy hmm ? ." pakiusap ko sabay pag silay ng sariling ngiti .

Muli akong lumabas ng penthouse at kahit pa mag a alastres na ng hapon ay napaka init parin sa balat ng araw na nakatirik sa taas ng kaulapan. 

Binuhay ko ang makina ng aking sasakyan at dumiretso sa gusali ng mga Arguellez na positibo akong doon ko ito matatagpuan na sa ideyang iyon palang ay nagpakaba at nagpasaya bigla sa umaasam na puso ko sa kagustuhan na makita siya .

Agad na dumiretso ako sa sekretarya niya ng makaakyat na sa tamang palapag upang muling madismaya lang .

"Pasenya na Ma'am Linnea , Naka bakasyon po ang Sir Thurstan . " pagpapaalam sa akin nito na ikinalaglag na lamang ng aking balikat. 

"Nakabakasyon ? Kailan pa ? Alam mo ba kung saan ? ." tarantang sunod sunod na katanungan ko .

"Ma'am Linnea , Sa pagkakaalam ko nagkasakit ang Sir Thurstan at h-hindi makapag trabaho ng maayos kaya nagpahinga pansamantala at humalili muna sa posisyon ang kanyang sariling Mama. " pagbibigay imporamsyon sa akin nito na medyo may pagka atubili sa tinig kung lahat ba ay sasabihin sa akin .

"Nagkasakit ? Kailangan ko siyang lalong puntahan kung ganon . " pag aalala ko .

"Saan ko siya pwedeng makita ? . " muling giit ko kahit pa halata sa mukha nito na wala akong imporamasyon doon na makukuha .

"Pasensya na Ma'am hanggang doon lang po ang alam ko at masasabi ko . " aniya na may nagpapaintinding tinig sa boses na aking ikinabuntong hininga na lang .

Mas lalo tuloy akong nakonsensya ng malaman na may sakit siya kaya pinagpahinga muna sa trabaho niya .

Gaano ba kalala ? Hanggang ngayon parin ba ay masama ang pakiramdam niya ?

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon