CHAPTER 46

80 5 0
                                    

Makulimlim na kalangitan na nag bubugso ng pag ulan ang itinambad sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makulimlim na kalangitan na nag bubugso ng pag ulan ang itinambad sa akin .

Pakiramdam ko tuloy ay nagbabadya ang langit ng malakas na pag ulan pero hindi naman ako dapat mabahala dahil malapit lang naman ang shop at hindi ako mababahala kung sakali man na wala akong payong na dala .

"Uuwi na ang tunay na amo mo bukas . " yuko ko sa pusa na walang sawa na igadgad ang balahibo sa paanan ko .

Aking pansamanatala itong pinag masdan habang seryoso na nagmamasid lang .

Ilang araw ito na laging naka buntot at naka salubong tuwing darating ako . Bigla tuloy akong nasanay na hanapin ang presensya niya at hanap hanapin kapag kinuha na siya ng tunay na nag ma may ari sa kanya .

"Linnea , Hindi ka ba mag dadala ng payong ? Baka umulan bigla ? . " pahabol ng Yaya ng matamaan ako na pababa na ng maka bihis at maka pag handa .

"Hindi na po . Diyan lang naman ako ." aking tugon sa kanya .

Dumiretso na nga ako sa pag baba ng hindi na nag pa habol pa ng habilin niya .

Binuhay ko agad ang makina ng aking sasakyan pag sakay at tinahak na a ng daan patungo sa aking shop na siyang tinututukan ko dahil iyon ang bagong bukas  ngayon .

"Maganda pong umaga Ma'am ." bati sa akin ng iilan ng ako ay masipatan ng iluwa ako ng babasaging pintuan habang sila ay abala na sa kani kanilang mga gawa .

Gumanti lang ako ng tipid na ngiti katulad ng naka gawian bago tuluyang pumasok sa aking opisina para may pag aralang kumpol ng papel na pahina tungkol sa iilang branch na nangangailangan ng aking approval sa mga bagay bagay .

Itinuon ko ang buong oras at buong atensyon sa aking pagkaka kulong doon .

Lumabas lang ako ng kailangan kong mag timpla ng sariling kape na maiinom dahil malamig ang panahon at bigla akong antukin sa kabila ng trabaho .

"Kape ? Gusto mo ako na ang mag timpla para sayo Madam ? . " dahan dahan na huminto ako sa pag hakbang at inayos ang aking mga paa para lingunin ang nag salita .

"Empleyado ba kita ? Wala akong maalala na kinuha ka ? ." Seryoso ang aking tono ng bumaling dito .

"Ahhh ! Yun nga ehh ! Mag papasa sana ako ng resume ! Kahit taga singhot lang ng amoy ng mga bulaklak para masiguro na patuloy lang sila sa magandang pamumukadkad ay tatanggapin ko ! . malawak na ngisi at baling pa nito sa iilang plorera na naka hilerang mga bulaklak na ikina ekis ng aking braso sa dibdib ko .

"Nixon , Kung bagot ka na sa buhay mo wag ka dito at naabala mo ang trabaho ng mga tao . "Paninita ko dito at sinulyapan si Sueanne na animo biglang nataranta at hindi malaman kung saan isasaksak ang iilang piraso ng bulaklak na ihihilera niya .

"Ito lang naman ang lugar na alam kong mag papahilom ng sugatan kong puso . " biglang malunglot at pabagsak na balikat pang hinawakan nito ang gawing puso .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon