CHAPTER 36

74 5 0
                                    

Sabi nga nila kapag masaya daw ang isang tao ay hindi nito ramdam ang mabilis na pag lipas ng mga araw lalo na kung abala ang puso mong mag mahal 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sabi nga nila kapag masaya daw ang isang tao ay hindi nito ramdam ang mabilis na pag lipas ng mga araw lalo na kung abala ang puso mong mag mahal  .

Ang bawat parte ng paligid mo ay nakikitaan mo lagi ng kislap ng kasiyahan .

Bawat lugar na kasama mo ito ay nagiging espesyal kahit ordinaryo lang naman para sa iilan .

"Linnea , Halika na at mag uumpisa na . " masuyong yakag sa akin ni Ziven habang abala ang aking paningin na sinisipatan ang paligid para mahanap si Darcell .

Masyadong maraming tao ngayon at hindi katulad ng nakaraan dahil ang ibang estudyante ng iilang eskwela ay dumayo pa para manood ng intrams na ginaganap ngayon sa aming eskwela  .

"Mag hawak na tayong dalawa napa karaming tao at baka tangayin ka at malayo sa akin bigla  ." Naramdaman ko ang pamilyar na init na naibibigay ng palad nito ng ikulong doon ang kamay ko .

Nginitian ko ito at tinanguan habang dinadaanan ang iilang booth na naka hilera sa aming daraanan .

Marahan na hinawi ni Ziven ang iilan para alalayan akong makaraan habang hila ako ng dahan dahan .

Tulad ng inaasahan ay napaka raming tao sa gym ngayon para manuod ng  Mr. and Ms. Intrams kung saan inaabangan ang kanya kanyang pambato at represante ng pangunahing seksyon mula unang taon hanggang sa amin na siyang huling taon .

"Ayan na si Thurstan ! ." Hiyawan at palakpakan ng karamihan ng makita na ang lalaking hinahangaan .

"Parang mas dumami ang taga hanga ng mokong na iyan kumpara ng nakaraan ahh ? ." Pahayag ni Marick ka akbay si Zivon sa tabi na nakasunod lang din sa amin at animo walang balak humiwalay .

"Alam mo naman si Thurstan may pagka bolero kadalasan kaya ang karamihan ay asang asa naman!  Isama mo na si Darcell na ngayon ay nawawala sa madla at animo nag seselos sa bago nitong kapareha. " disgustong sambit ni Zivon ng ngitian at balingan ko at sinulyapan din ang nasa kapaligiran para hanapin ang huli .

Ilang araw ng hindi masyadong pumupunta at kahit makihalubilo ay hindi na ganon kadalas ang naging pakikitungo sa amin ni Darcell na akin din naman na ikinapagtataka.

"Nang nakaraang taon naalala mo ba ? " Bulong at akbay sa akin ni Ziven habang ibinaling ko ang aking paningin sa entablado ng mag hiyawan at magpalakpakan pa lalo ang mga tao lalo ang kinabibilangan ng aming seksyon ng sabay na rumampa si Thurstan suot ang uniporme ng mga Tennis player habang si Amanda na kapareha nito ay suot ang uniporme ng mga cheerleader .

"Ano ? " baling ko bigla dito ng itagilid ang ulo at ngumuso para ibalik ko ang tanong kahit alam naman namin pareho ang sagot .

"Sa entabladong iyan mismo , Diyan ako hindi nakakilos ng mag tama ang tingin natin pareho dahil napagtanto ko bigla na isa ka pala sa mga hurado . " ngumuwi ito saglit pero bakas ang malaking ngiti ng labis kaya nahawa ako at natawa din sa pangyayari na pareho naming hindi lilimutin .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon