CHAPTER 17

87 7 0
                                    

Sa pagkakatanda at pagkaka alala ko simula ng unang araw na pumasok ako sa eskwelahan na ito ay lagi na lang may irap at namumuong masamang awra sa paligid ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pagkakatanda at pagkaka alala ko simula ng unang araw na pumasok ako sa eskwelahan na ito ay lagi na lang may irap at namumuong masamang awra sa paligid ko .

Mga awra ng ibang kamag aral ko na ipinapahata ang galit at poot sa presenya ko na sa mahabang panahon ay hindi misanan kong binalewala lalo na sa tuwing dadaan ako sa mahabang entrada papasok ng eskwela .

"Magandang araw Linnea ! . " baling ko sa isang grupo na aking nasilayan na kamag aral sa hindi kalayuan na may hawak pang mga akat at ng makita ako na bumaba ng sasakyan at mag lakad ay magiliw na binati ako ng kay saya .

"Magandang umaga din . " ganting bati at ngiti ko at tango na upang ipaunawa na itutuloy ko na ang pag hakbang ko .

"Linnea ! Linnea ! . " hindi pa man ako nakaka layo ay may tumawag din sa akin at sa boses nito ay isa din sa aking mga kaklase.

"Belle . " napahinto ako sa aking paglalakad ng maramdaman ko ang pag habol nito sa akin .

"Salamat sa notebook na ipinahiram mo ! Isinaulo ko ang lahat ng nasa bawat pahina at talagang nakaka mangha dahil napaka galing mong mag ditalye at mag turo ! . " bago pa man ako naka pag salita ay inabot na nito ang hiniram na notebook ng isang araw sa akin nito .

"Madali ka lang talaga na matuto . " papuri at ngiti ko dito at kinuha na ang inilahad na sa akin nito .

"At magaling ka lang talaga na mag turo . " pagbabalik puri na naman nito kaya mas natuwa na lang ako .

"Sige , Mauuna na ako sa pag pasok at mukhang inaantay ka na ng mga kasama mo . " paalam ko dito at bahagyang sinipat ang ibang kaibigan nito na kumaway din sa akin sa gawing likod kaya ginantihan ko din ng kaway ang mga ito .

Hindi ako pala kaibigan na tao . Aminado ako , Pero nakakataka at nakakatawa na sa sobrang dami ng bumabati at ngumingiti sa akin ngayon ay iisipin ng iba na pala kaibigan akong tao .

Simula ng malipat at mabuwag ang sangay at seksyon namin at ako ay lumipat sa ibang silid aralan ay batid at handa ako na hindi ako mag kakaraon ng mga kaibigan .

Kaaway ? Iyon ang inaasahan ko .

Pero sa nakalipas na mga panahon . Ang mga tao na nakapiligid sa akin noon na binabalot ng matinding poot ay biglang naging maamo at malambot .

Kung dati ay puro pagpaparinig at masasamang salita ang lumalabas sa mga bibig ng mga ito sa tuwing mag daraan ako ay ibang iba na ngayon .

Dahil ngayon , Sasalubing sa akin kahit na nasa entrada pa lang ay ang malalaking ngiti at bati na ng ibang estudyante na pa minsan minsan ay binabati ko din pabalik dahil maayos naman ang paraan ng mga ito .

Sa una ay pawang kamag aral ko lang ang bumabati sa akin , Kalaunan ay naki sali na din at naki ngiti ang taga ibang seksyon at animo isa akong napaka importanteng tao dahil walang mintis ang ngiti at magagandang pag bati ng mga ito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon