CHAPTER 68

73 4 0
                                    

Bakas sa mukha ni Luciel ang matinding pagkabahala sa akin na kanina nga ay siyang  inasta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bakas sa mukha ni Luciel ang matinding pagkabahala sa akin na kanina nga ay siyang  inasta .

Naguguluhan siya at ako man ay hindi makalma ang kalituhan na nadarama ng makita ng dalawa kong mata si Ziven kanina na kalahati ng buhay ko ay inakalang patay na. 

"Ano bang nangyayari Linnea ? . " pagbubukas paksa niya ng punuin ulit ng tubig ang basong inilapag sa harap  ko matapos iisang lagok ang laman dahil sa kabalisaan .

Wala sa sarili na hinilamos ko ang aking palad sa nanlalamig na mukha .

Halo halo ang emosyon na aking nadarama hindi ako sigurado kung ako ba ay matutuwa na nandito at buhay siya pero matindi ang takot na nadarama dahil baka pinapaasa ko lang ang sarili ko at pinaglalaruan muli ng tadhana .

"Si Ziven buhay siya . " namutawi sa nanginginig kong bibig na animo ipinaparig iyon sa aking sarili at hindi iyon basta kathang isip lamang. 

"Sino bang si Ziven ang sinasabi at tinutukoy mo ? Si doctor Sullivan ba ? Baka nagkakamali ka dahil siya si Alric at hindi ang taong tinutuloy mo na kinunpirma niya hindi ba ? . " marahan at nagpapaintinding saad niya pero wala iyong katotohanan sa loob ko. 

Gusto kong isipin na nagkamali nga ako pero lamang sa akin na malaman ang katotohanan .

"H-Hindi ako pwedeng magkamali Luciel ." pag baling ko sa kanya at walang balak na pakinggan siya. 

"Oo maaaring matagal na iyon pero hinding hindi ako magkakamali dahil siya iyon ! . " nangingiyak kong paniniyak sa kanya. 

"Kung siya nga ang tinutukoy mo bakit hindi ka niya makilala ? ." tanong niya na nagpasakit nga ng puso ko ng sobra .

"Hindi ko alam . Basta ang alam ko nawala siya sa akin . Nawala siya sa amin dahil sa aksidenteng kinasangkutan nila ni T-Thurstan !. " histerikal na pagbabahagi at muling pagbabalik tanaw ko sa nakaraan .

"Walang nakitang bangkay niya matapos maisalba ang sasakyan at ng masagip si Thurtsan . " pagpapatuloy ko habang tahimik na nakikinig ito .

"Sabi nila wala na daw ito . Sumuko sila kahit sarili niyag pamilya naniwala kahit pa hindi talaga nakita ang bangkay nito . " animo kakapusin ako sa hininga dahil hindi ko matanggap na naniwala din ako na wala na siya .

"Pero nandito nga siya at may posibilidad na kaya hindi niya ako maalala ay dahil may kinalaman iyon  sa aksidente ." positibong saad ko kahit pa animo nababaliw na ako sa paningin ni Luciel ngayon na walang magawa kundi ang maraan na umiling .

"Sino ba siya noon sa buhay mo Linnea ? Kung umasta ka ngayon na nakita mo siya ay natitiyak mong iisang tao nga sila ng nakaraang tinutukoy mo para ngayon ay magkaganyan ka ? ." tanong niya na nagpalunok ng mabigat sa akin at muling pumatak ang takas na luha .

"Siya yung una at huling lalaking minahal ko Luciel . " walang agam agam na sagot ko habang napa sandal naman siya sa kanyang upuan at animo namoblema .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon