CHAPTER 42

86 6 0
                                    

"Kamusta ang pag bisita at pag punta mo sa plantasyon ?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kamusta ang pag bisita at pag punta mo sa plantasyon ? . " tanong sa akin ni Yaya Dahlia papasok ko ng bahay .

Tumango lang ako bago nag salita at ipaalam ang kinahinatnan nga ng akong doon na pag punta .

Ang ilang linggo na natitira sa dalawang buwang bakasayon ay aking doon inubos at itinalaga .

"Maayos naman po . Napamalahanan ni Luciel ito ng maayos . " pag bibigay alam ko .

Sa akin doon na pag punta ay nakita ko muli ang aking buong pinsan sa ama at iyon ay walang iba kundi si Luciel na siyang ipinagkatiwala ng aking Papa sa  hekta hektaryang plantasyon na tinaniman ng ibat ibang bulalak na isinu supply sa iilang kilalang negosyante sa larangan at linya na pag aayos ng mga bulaklak at isama pa ang iilang kumpanya na kasama sa umaangakat .

"Mabuti naman kung ganon at maayos naman pala ang lahat doon . " parang nabunutan pang tinik ni Yaya Dahlia bago ako sinabayan sa pag pasok sa loob .

"Nag usap kami ni Luciel at itinuro sa akin ang linya ng plantasyon na  kapaki pakinabang . " dugtong ko .

Napag kasunduan namin na siya ang mamahala muna doon katulad ng nakasanayan habang ako ay mag aaral ng kolehiyo .

"Oo naman , Walang problema , Ako na dito ang bahala wag kang mag alala ? Basta mag aral ka ng mabuti doon at wag na ditong mabahala . " tango pa sa akin nito at ngiti .

Huli ko itong nakita noong ipasyal ako doon ng Papa na sa sobrang bata ko pa ay hindi ko na nagawang maalala at si Luciel pa ang mag kwento ng buong detalye nga .

Matanda ito sa akin ng sampung taon pero sa kilos at pananalita nito ay para bang mag kasing edad lang kami nito dahil minsan mas bata ang isip kapag ito ay sinumpong pero madalas naman ay matinong kausap pag dating sa negosyo .

Umakyat na ako sa aking kwarto pag katapos na sabay kumain ng hapunan kasama si Yaya Dahlia at ako ay nag paaalam na para mag pahinga at makatulog dahil umpisa ng klase bukas .

Pilit kong inabala ang sarili ko sa mga nakalipas na araw lalo na ng mapag alam ko na kung ano ang gusto kong tahakin na kurso at iyon ay walang iba kundi ang tungkol sa negosyo .

Negosyo na patungkol sa mga bulaklak . Natatakot akong sumugal ng una dahil sa kundisyon ko ngang dala na hindi pagka kita sa kulay nila .

Pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan ? Hindi porke hindi ko nakikita ang ganda ng kulay nila ay hindi na noon ibig sabihin na kailangan ko silang talikuran at tuluyan ng sukuan .

Aabalahin ko ang sarili ko sa landas na tatahakin ko , Hindi dahil sa gusto ko ito . Kundi ito ang nakikita kong dahilan para mag patuloy ako sa buhay at wag igupo ng kalungkutan .

Sa ngayon hanggat hindi pa ako ganon kalakas , Katulad ng gabing nag daan . Iiyak ko muna ito hanggang sa akin muling makatulugan .

"Linnea ! Sandali lang ! . " naglalakad ako ngayon sa hallway matapos malaman kung saan ang klase na dapat pasukan ng bahagya akong mahinto sa pamilyar na boses na iyon .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon