CHAPTER 40

80 5 0
                                    

Mabilis na bumaba ako ng sasakyan at wala ng pakelam basta mabilis ko lang mapuntahan ang kinaroroonan nina Zivon na siyang tumawag sa akin ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis na bumaba ako ng sasakyan at wala ng pakelam basta mabilis ko lang mapuntahan ang kinaroroonan nina Zivon na siyang tumawag sa akin ngayon .

"Ma'am Linnea ! . " malakas na pag tawag sa akin ni Mang Stefan pero Hindi ako lumingon saglit .

Lakad takbo ang ginagawa ko makarating lang ako sa lugar kung saan ang aking tungo .

Nakakabinging busina mula sa mga sasakyan na aking nalalagpasan at inuunahan mauna lang akong makatawid sa kanila .

Ang sakit at ang masamang  dagundong ng kaba sa puso ko lalo na ng malapit na ako sa lugar kung saan ang wasak na wasak na harang ng tulay at ang nakakabinging pag dating ng ambulansya .

"Z-Ziven . " tanging nasambit ko lang at mabilis na naglakad at tumakbo sa mga taong nag kukumpulan .

Bago pa man ako tuluyan ng makalapit ay hinarangan ako ng unipormadong pulis at inilingan .

"Delikado kapag lumapit ka pa ng husto ." Agap nito .

Nanghihimina ako at walang pumapasok sa utak ko ngayon basta ang alam ko lang ay ang huling tawag na natanggap ko mula kay Zivon at ipinaalam ang kinaroroonan ng mga ito ngayon at ibalita sa akin ang trahedya na animo bangungot sa akin ngayon .

"Linnea ! . " pamilyar na boses ni Marick ang nag pa lingon sa akin sa aking gawing likuran .

Bago pa man ako makapag salita o makapag tanong ay hinila na ako nito palayo sa mga pulis na abala sa pag pigil din ng iilang tao na nakikiusyoso sa trahedya.

Binalingan ko ang tow truck na bagong dating at siyang nag pa hati sa mga tao sa paligid para makadaan nga at maagapan na ang trahedya at maihaon ang sasakyan na nalaglag sa katubigan .

"Nasaan si Ziven ? ." Nanginginig ang boses ko ng itanong iyon sa kanya .

Hindi ito sumagot at patuloy akong inakay palapit sa ambulansya kung nasaan si Zivon na hilam na ng luha ang mukha at malakas ang hikbi talaga .

"Marick ?! . " hindi ko na napigilan na mag taas pa ng boses dahil ako ay sadya ata nitong binabalewala .

"Tumabi kayo ! Tabe ! . " malakas na sigaw ng kung sino man na humahangos pa at unipormado na sakay ng ambulasnya habang hatak hatak ang strecher .

"T-Thurstan ! Thurstan anak ko ! . " humahangos at iyak ng babae na hindi mapag kakailang ina nito kasunod ang asawa sa huli .

"Bilisan niyo at kailangan ng madala sa ospital ng anak ko ! . " dumadagundong na sigaw ng lalaki at katulad ng babae ay taranta at hindi malaman ang gagwin habang napag masdan ang anak na sakay ng strecher at puno ng aparato na nakasunod sa kanya na halos hindi ko na makilala ang mukha dahil sa sugat at matinding pag durugo niya .

Namalayan ko na lang na hinahampas ang balikat ni Marick para mag simula itong mag salita ng tuluyan ng maisakay at makaalis ang ambulansya na si Thurstan ang dala pero wala si Ziven na aking labis na ikinapag aalala .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon