CHAPTER 50

97 4 0
                                    

Sa mga naging palakpakan at pag aninag ko sa iilang tao na naroon at naka saksi sa ginwang pag awit at pag tatapat ni Thurstan sa akin ngayon ay parang doon ako naliwanagan ng husto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mga naging palakpakan at pag aninag ko sa iilang tao na naroon at naka saksi sa ginwang pag awit at pag tatapat ni Thurstan sa akin ngayon ay parang doon ako naliwanagan ng husto. 

Malamig ang naging sulyap ko sa gawing ibaba kung nasaan si Zivon at nakangiti sa amin kasama si Marick na kung pagbabasehan ko ang ngiti sa kanilang labi ay animo kay tagal na itong gustong mang yari. 

"Nalulunod ako,  Nalulunod ako sa sarili Kong emosyon at Hindi ko alam kung paano pa ako makaka ahon. "

Matapos Kong sulyapan ang mag asawa sa ibaba na halata ang pag suporta kay Thurstan ay hindi ko talaga labis na maintindihan o ikatuwa ang mga ginagaw niya. 

"Mula noon hanggang ngayon ay Hindi ako sayo natutuwa. " marahas at may bahid na galit na tono ng aking pananalita. 

Sa pag tama ng aming mga mata ay naramdaman kong bumagsak ng malungkot na paraan ang balikat niya habang nakangiti sa akin at animo gusto akong intindihin sa aking nadarama kahit siya mismo ay hirap sa sakit na lumulukob sa kanya. 

"Ano ba ang dapat kong sabihin o gawin para tuluyan ka ng tumigil at ako ay lubusan ng layuan na?  ." Paninita at pag arok ko ng pasensya niya at gusto kong sumuko na siya dahil wala itong patutunguhan katulad ng sinabi ko sa kanya.

"Hindi ko din alam Linnea , Hindi ko din alam kung bakit sa kabila ng lahat ng ito ay nandito pa rin ako , Kahit ayaw mo at halatang nagtitimpi ng galit sa lahat ng gagawin ko.  " nagtitigan kami nito habang sinasagot ako ng nakangiti at masuyo habang matigas naman ang emosyon sa mukha ko. 

"Nandito pa rin ako , Nakatayo sa harap mo at nakangiti ng ganito kase kasiyahan ko ang masilayan ka lang ng paano ,  Kahit pa ang lapit mo lang pero lagi mong ipinaparamdam na napaka layo mo.  " Hindi nito inalis ang tingin sa akin at idinuro ang sariling kinatatayuan sa matigas pero hingal na paraan. 

"Nandito parin ako kahit isang libong paraan mo na din namang ginawa na ipag tulakan ako palayo.  " iling iling pa ito bago bahagyang napa kagat sa kanyang pang ibabang labi at nawala ang ngiti . 

"Nandito parin ako Linnea,  Dahil dito. " malungkot na ekspresyon ng mga mata nito  ang humalili sa ngiti at nabakas iyon sa kanyang buong mukha. 

Idiniin nito ang kaliwang dibdib gamit ang daliri habang nag iwas ako ng tingin. 

"Dahil ikaw ang gusto ko,  Ikaw ang laman nito at kahit anong gawin ko Hindi ka malimutan o mapalitan nito  ." Samo into na nag pabalik muli ng tingin ko sa kanyang gawi   .

"Pilitin mo.  " sagot ko. 

"Pilitin mo Thurstan,  Dahil kahit ano pang gawin at sabihin mo ay hinding Hindi mo mapapalitan ang nandito dahil nandito siya at hinding Hindi mawawala kailanman.  " katulad ng ginawa niya ay dinuro ko din ang aking kaliwang dibdib habang poot ang namayani sa aking mukha. 

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon