CHAPTER 52

80 4 0
                                    

Dahil hindi naman ganon kalala ang natamong pinsala o kagat mula sa bubuyog sa paa ni Luciel ay pinalabas din naman siya ng ospital matapos ang ilang oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil hindi naman ganon kalala ang natamong pinsala o kagat mula sa bubuyog sa paa ni Luciel ay pinalabas din naman siya ng ospital matapos ang ilang oras .

"Bakit hanggang ngayon ay nandito parin yan Linnea ? . " panduduro at tukoy ni Luciel kay Thurstan ng mabungaran niya itong nakatayo sa labas ng ospital at malawak ang ngiti na naka sandal sa aking sasakyan .

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko rin inaasahan na nandito pa siya at hindi pa rin umuwi katulad ng napag usapan namin kanina ng pinahayag ko sa kanya na bumalik na siya ng maynila at ako dito ay maiiwan na muna .

"Luciel hayaan mo si gwapong chiwawa , Baka sa kasungitan mo ay balikan ka ng bubuyog na kumagat sayo at iba na ang mamaga sayo . " napabaling ako sa nag salita na hanggang ngayon ay hindi pa sa akin nag papakilala kung sino nga ba siya at bakit kung babasahin ang kilos niya  ay parang matagal na silang magka kilala ng pinsan ko nga .

"Isa ka pa ! Kung hindi dahil sa kagagawan at kakulitan mo ay hindi mangyayari sa akin ito ! . " asik at napipikon na sita ni Luciel sa mukha ng nang aasar na babae .

Kung susuriing mabuti mula sa pananalita at kilos ng babae ay mas bata ito ng mas di hamak sa amin ni Luciel .

Pero dahil sa matangkad at hubog ang katawan nito ay hindi iyon mapaghahalataan kung hindi mo lang papansinin ang mga kilos at ang kanyang asta na nagpapabatid ng totoong edad niya kung sakali mang tama ang aking hinala .

"Sinabi ko bang akyatin mo ? Gusto mo lang talagang makita at mahawakan ang panty ko . " pasaring na pabalik ng babae na talagang nag pa amang kay Luciel at animo wala na lang akong narinig at nag patiuna ng nag lakad sa dalawa na kanina pa ay nag aasaran talaga .

Sa aking pag lalakad patungo kung saan nakaparada ang aking sasakyan ay mataman lang sa akin nakatingin si Thurstan na may bahid ng ngiti sa kanyang mukha at nasisisguro kong hindi siya mapapabalik mag isa ng basta basta .

"Alam kong magagalit ka . " pauna agad na litanya nito ng makalapit ako ng tuluyan sa kanya bago siya nag tanggal ng bara sa kanyang lalamunan at sinipatan muna si Luciel sa gawing aking likuran bago ibinalik ang paningin sa akin at ako ay ngitian .

"Umuwi ka na ." Balewalang sambit ko at walang emosyon na bumakas mula sa aking mukha kundi ang kaseryosohan sa aking salita .

"Trabaho , Kailangan kong manatili dito para sa trabaho . " pinaliit pa nito ang kanyang mga mata at ngumisi bago ko nakuha ang gusto niyang mangyari .

Ang tinutukoy lang naman niya ay walang iba kundi ang kontranta na aking pinirmahan na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil magkakaroon siya ng dahilan para hindi bumalik at ngayon ay ito nga .

Napapikit ako saglit at napa sapo sa aking mukha bago muling nag mulat ng paningin habang siya ay maamong naka masid sa akin at tagilid ang kanyang ulo ng nanantya sa aking emosyon at nadarama .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon