CHAPTER 8

115 7 0
                                    

MARICK'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MARICK'S POV

"Anong nangyari sayo Ziven ? Huminto ka bigla sa pag sayaw . Ano bang nakita mo sa ibaba at natulala ka ng ganon kalala ? . " tanong ko kay Ziven ng nasa likod na kami ng Back stage .

Nakita ko kung paano niyo hinilamos ng marahan ang palad sa buong mukha na talagang putlang putla dahil sa pagka pahiya .

"Ang tagal na natin ikinabisado ito , Ikaw pa ang ang unang naka kuha ng lahat ng tamang galaw sa sayaw na ito . Akala ko ako ang magkaka mali ng galaw kanina . Hindi ko talaga inaasahan na bigla ay mapapahinto ka ." Tapik sa balikat ni Thurstan sa huli habang nakangiti at animo balewala sa kanya ang nangyari .

"Pasensya na hindi ko sinasadya , Natameme lang ako bigla . Nawala lahat sa akin talaga . " pag amin nito at animo nanghihina na labis ko pang ikinataka .

Mabilis na inalis ko ang pag kaka sandal sa likod ng malamig na pader at hinila ang silya at umupo ng pa salampak para harapin ang itsura nito na animo hindi malaman kung paano itatago sa nananatya kong anyo base sa pagkakatingin ko dito .

"Sino ba yung nakita mo sa ibaba para mahinto ka ng ganon ka lala ? Si linnea ? Tama ba ? . " tanong ko at mabilis na gumuhit ang nakakalokong ngisi ko ng mamula ang mukha nito bigla .

Tiningala ko si Thurstan na biglang tumalikod at nag bukas ng inumin at inisang lagok iyon bago bumalik din sa gawi namin para ngitian ako ng tipid .

May ideya na akong naiisip at gusto kong samantalahin ang pagkakaton para ito ay inisin dahil sa nakikita ko ay pagkakataon ko na para ito ay kantyawin .

"May gusto ka doon noh ? . " tiyak ang hinala ko kahit patanong naman ang ginamit kong tono para dito .

Nasamid si Thurstan bigla ng ito ay uminom sa bote na inumin na dala at nilingon kaming dalawa ni Ziven na nagsusukatan ng titig sa mga mata .

"Ewan ko kung yun ang tamang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya , Pero kapag nakikita ko siya , Natutulala ako at hindi malaman ang gagawin ko . Matagal na ito pero alam kong mas lumala na lang bigla . " tumango ito ng marahan at sinalubong ng diretso ang aking mga mata at sa labis siguro na hiya sa pag amin nito ay nag iwas din ito ng tingin at namula ng todo sa aking paningin .

"Gusto mo siya Ziven ? Kailan pa ? Masakit sa ulo ang awra ng babaeng yon parang hindi basta basta ? . " yumuko si Thurstan saglit bago iangat muli ang tingin sa huli na para bang nakuha ni Ziven ang buong atensyon nito sa pag amin niya kaya bigla itong nag seryoso at sunod sunod na nag tanong .

"Hindi ko din alam ? Siguro ng nakita ko siyang seryoso na nag lalakad sa mahabang entrada sa harapan ng eskwela ? Basta may iba sa kanya at iyon ang dahilan kaya napapa titig ako lagi sa kanya . " napabuntong hininga si Ziven kasabay ng marahan na pag yuko habang natahimik naman bigla si Thurstan na animo ngyaon pa lang talaga nalalaman ang nararamdaman ng aming kaibigan .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon