CHAPTER 22

83 6 0
                                    

LINNEA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LINNEA'S POV

Katulad ng naka sanayan ay napapa aga ang pasok ko sa eskwela , Iisa lang naman ang alam kong dahilan at iyon ay ang makita siya agad ng maaga .

Nang makita ako nito ay sinalubong ako ng maganda at nakaka hawang mga ngiti nito na kahit nakasanayan ko ng makita mula dito ay pakiramdam ko ay laging bago ang naidudulot niyon sa kaibuturan ko .

"Linnea , Nandiyan ka na pala . " anito sabay ayos ng upuan ko .

Nagkibit balikat lang ako saglit at umupo na sa tabi nito at katulad parin ng dati ay nasanay na lang ang mga tao sa paligid namin .

"Ang bilis ng pag palit ng buwan , Pebrero na at sasapit na ang ating Prom Night na akin naman talagang kinasasabikan at hinihintay ! . " nagagalak na anunsyo ni Nixon sa gawing likuran .

Sa sinabi nito ay nagkaroon tuloy ng bulong bulungan sa kapaligiran at masayang usapan tungkol sa magiging kaganapan .

Hindi nag tagal ay pumasok na din ang aming guro at katulad ng iilan ay ang tungkol sa kasiyahan ang naunang ibungad at pag usapan .

"Ito ang buwan kung saan ikinakagalak ko ng husto para sa inyo na mga kabataan . " paninimula ng aming guro at sa paraan ng paninitig sa aming lahat ay may kung ano man na naalala sa kanyang kapanahunan .

"Mag sisinula na ang pag eensayo para sa naturang prom at lahat ay dapat dumalo at iyon ang panuntunan na inilahad ni Mr. Cassivelaunus na sinang ayunan din naming ng mga guro ." pag papahayag nito ng pasya na siyang ikina palakpak ng iilan .

Napa ngiti na lang din ako katulad ng iilan dahil sa kasiyahan na talagang nadarama .

"Kayo na ang bahalang mamili ng makaka pareha ninyo at isulat sa maliit na papel ang pangalan ninyo na nag kasundo para maging magkapareha para hindi tayo mag kagulo . " pahabol na litanya ni Mrs. Tabora .

Nang malingunan ko ang iilan ay kanya kanya na silang baling sa mga napupusuan at kanya kanya na ng paanyaya wag lang maunahan ng iba .

"Linnea , Wag kang papayag na mapareha sa iba . " bulong sa aking tenga ni Zivon na aking ikinangiti na lang ng bahagya .

Inayos ko ang aking mga gamit sa ibabaw ng aking lamesa kalaunan habang naguguluhan parin ang lahat sa mga nais maging kapareha .

"Linnea , Ayos lang ba na ako na ang maging k-kapareha mo sa naturang kaganapan ? . " napahinto ako sa ginagawa at dahan dahan ng itinaas at binalingan ito ng sulyap at marahan na tumango tango dahil ito naman talaga ang tanong na aking hinihintay na manggaling sa kanya .

"Ayos lang , isusulat ko na ang pangalan natin sa papel at ng mapasa ko na kay Mrs. Tabora . " marahan na sagot ko na hindi inaalis ang paningin dito dahil nakikitaan ko na naman ng pamumula ang pisngi nito habang pinaglilipat lipat ang tingin sa mulka ko at sa papel na susulatan ko ng pangalan namin nito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon