CHAPTER 56

81 4 0
                                    

Nakatulala ako sa kawalan habang marahan na hinahagod ni Thurstan ang aking likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakatulala ako sa kawalan habang marahan na hinahagod ni Thurstan ang aking likuran.

Kung hindi lang talaga bumuhos ang napaka lakas na ulan ay hindi ako matitinag sa aking kinakatayuan habang tumatangis na parang walang katapusan .

"Narito na ang mainit na tsokolate na ipina timpla mo para kay Linnea. " dining kong pahayag ng Yaya Dahlia habang bitbit ang dala dalang tasa na nakalapag sa tray na hawak niya.

"Maraming salamat Nanay Dahlia, pasensya na po sa abala. Magpahinga na po kayo at ako na ang bahala sakanya . " mahinahon na pasasalamat na dinig kong sambit ng nasa tabi ko.

Narinig ko ang pag lapat ng tasa sa babasaging bilog na lamesa ng marahan na kumilos ito para ako ay pagsilbihan.

"Linnea . " mabining tawag nito sa aking pangalan .

Narinig ko ang pag tawag nito sa akin pero hindi ako naka kibo sa kawalan ng masasabi .

"Alam kong ilang gabi din ang nag daan na kinulang ka sa tulog at pahinga . " paninimula niya .

"Kaya nakikiusap ako sayo na wag ka munang mag isip ng kung ano , ipahinga mo muna ang sarili mo . " tunog paki usap nito kaya marahan na bumaling na ako sa gawi nito.

"Kailangan kong malaman kung aksidente ba talaga ang pagkamatay ng Mama sa kulungan . " napapaos na sagot ko dahil sa laging pag iyak na ngayon ay nag babadya na naman .

Napa buntong hininga ito ng malalim bago marahan na ako ay yakapin .

"Aalamin ko , aalamin natin . " anito.

"T-tutulungan mo ako ? . " wala sa sariling tanong ko .

Inilayo ako saglit nito mula sa kanyang pagkakayakap at malugod na sinipatan ang aking mukha .

"Pag dating naman sayo lagi naman akong nandito . Kaya kong gawin ang lahat para sayo . " masuyong sagot at pagak na ngiti nito bago marahang punasan ang namumuong luha sa mga mata ko na dahilan ng pagkakapikit ko .

"Magpahinga ka na muna ngayon, Ihahatid na kita paakyat sa kwarto mo. " hindi nag uutos kundi nag susumamong pahagay nito.

Wala akong naging pag tutol o kung ano.

Pagod na ako para makipag talo pa dito.

Tumayo ako at inalalayan naman ako nito na animo nanghihina sa paningin nito dahil pinalupot nito ang isang kamay sa bewang ko.

Katulad ng sinabi nito ay hinatid ako nito sa aking kwarto at animo isa akong sunud sunuran sa lahat ng sasabihin nito.

Siya ang nag tanggal ng aking sapin sa paa ng maupo ako sa gilid ng aking kama.

Siya rin ang nag hawi ng kobre kama para itakip din sa akin ng ako na ay mahiga.

"Magiging maayos din ang lahat. " sambit nito habang nakasulyap sa akin ngayon.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon