CHAPTER 10

103 6 0
                                    

HUXLY'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HUXLY'S POV

"Araw na naman ng mga puso , Ramdam mo na ba ang malakas na pag tibok ng puso ko para sayo ? . " Naiangat ko ang tingin ko mula sa kinakalikot at inaayos kong rubix cube .

Hindi katulad ng nakaraan na pananahimik nito ay mas naging tahasan na ang mga naging pahayag nito sa akin ngayon simula ng sundan ako nito ng matapos namin mag sukatan ng tinginan ni Raiden .

Sinalubong ko ang mga mata nito na j
kahit nakangiti man ay halata ang sakit na hinding hindi maitatago ng mga mata  dahil bukod kanino man sa aming mga kasamahan dito ay  ako ang nakaka alam ng totoong sakit na pakiramdam .

"Aliyah , napag usapan na natin ito hindi ba ? ." Seryosong sagot ko at muling ibinaling ko ang aking buong atensyon sa rubix cube na hawak ko .

"Napag usapan natin , Oo ? Pero hindi ba't sinabi ko sayo ay hindi ako susuko ? . " masaya ang tono ng boses niya na halata lang naman nitong ipina sisigla .

Ayaw ko siyang saktan , Ayaw kong ulit ulitin ang mga salita para siya lang ay masaktan . Dahil kahit paano ay may pakelam ako sa nararamdaman at presensya niya katulad ng aking iba pang mga kasama .

Simula ng araw na makita ko ang sarili ko na hiniwalay sa iba at katulad ng mga naka sama ko ay ikinulong sa malaking kwarto na ito upang mag karoon ng sariling mundo ay kahit paano ay sila na sa akin ay naging mahala .

Hindi lang kamag aral kundi matatalik ko na din na mga kaibigan at mahalaga higit sa ano pa man .

"Wala akong maipapangako sayo , Aliyah . Dahil ang totoo alam mong mahal ko parin siya kaya sana ay wag mong sayangin ang panahon mo sa pag hihintay sa wala . " dagdag ko .

"Kaya pala nag hihintay ka din na parang tanga sa kanya katulad ng pag hihintay ko sayo kahit alam mo din naman na wala ka din naman sa kanya ay mapapala . " nag iba ang tunog ng boses nito at naging mapait na ikina angat muli ng tingin ko sa mga mata nito na nagbabadya na naman ng pag luha .

"Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay pinili natin , Tanggap ko na hindi na siya sa akin ay babalik pa . Pero ikaw tanggap mo din ba na wala talaga ako sayo na madarama ? " balik tanong ko dito na siyang ikina gitla nito ng todo bago ako talikuran na puno ng poot ang nararamdaman .

Iyon ang pinaka masakit na salita na alam kong sa kanya ay nabitawan , Sa tagal namin nitong mag kasama ay mag kakilala . Alam ko kung kelan niya ako tinitigan ng may pag hanga at kung kailan siya nasasaktan sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa babae na hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang limutin nga .

Si Darcell , Siya ang unang nobya ko . Unang kita ko palang sa ngiti niya noon ay nahumaling na ako ng todo . Hindi nag tagal ay nanligaw ako at sinagot niya naman ako na ikinalundag talaga ng puso ko .

Pero sa hindi ko inaasahan na pag kakataon , Ang damdamin niya sa akin na talagang nag palunod sa akin ng husto ay ang magiging dahilan para na wasak lang pala nito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon