CHAPTER 69

74 4 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na masama ang pakiramdam kaya patakbo akong nagtungo sa sariling banyo upang maduwal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising ako kinabukasan na masama ang pakiramdam kaya patakbo akong nagtungo sa sariling banyo upang maduwal .

Ito siguro ang epekto ng pag iisip ko ng ano ano at ang samut saring emosyon na nadama ng muling makita si Ziven at idagdag pa ang pag iwas ko kay Thurstan na naging dahilan ng hindi ko pagkakatulog kinagabihan.

Nasapo ko ang aking noo at tinitigan ang sarili na namumutla ng labis idagdag pa ang pamamaga ng aking mga mata sa pag iyak .

Masama ang pakiramdam ko at iyon ang aking natanya pero binalewala ko iyon at iniligo na lang umaasang bubuti din bahagya ang pakiramdam .

Madalian naligo at nagbihis nga bago bumaba para doon ay madatnan si Luciel na halatang may pagtatanong sa mukha.

"Umalis ka kahapon ? ." paninita na niya ng nakaupo ako sa harap ng hapag nga.

Wala akong ganang kumain kaya panaka nakang subo lang ang ginawa at hindi makasagot ni makatingin sa kanya na nanaiisin ko pa atang yumuko na lang wag lang mapagalitan niya habang panaka naka ang pag buntong hininga .

Tahimik na pinagsisilbihan kami ni Manang Emilia at siguro ay nakaramdan ng tesnsyon sa awra namin ay agad din naman naming iniwan na mag pinsan .

"Nabalitaan ko kahapon na nagpunta ka sa mansion ng mga Sullivan. " paninimulang ungkat niya .

Sumakit lalo ang aking ulo sa pagkaalala ng nangyari kahapon at ang pananaboy sa akin palayo ng lalaking pinaka mamahal ko.

"Hindi ba't napag usapan natin na tutulong ako at nangako ka naman ng hindi kikilos mag isa . " paninita na niya na naiintindihan ko nga pero hindi ko makuhang mapanindigan talaga .

"Luciel. " tanging nasambit ko lang habang marahan na sumandal at tuluyan ng nawalan ng gana .

Sumimsim siya ng kape sa sariling tasa bago umiling iling pa .

"Negtibo ang imbestigasyon na lumalabas Linnea . " aniya na nagpakunot ng aking noo at inilapit ang katawan sa mesa na nakasandal sa silya kanina .

"Anong ibig mong sabihin ? . " nalilitong tanong ko .

Sinuway ko man ito pero may isang salita sa pag tulong sa akin dahil naghagilap parin ano man ang maitulong sa akin .

"Lumalabas sa imbestigasyon na nagkakilala ang dalawa ng panahong nasa america si Alric at nag aaral ng High school na isang ulila na dahil bata pa lang ay nasawi ang mga magulang sa murang edad nito at kinupkop ng kanyang tiyo na siyang nag pa aral dito . " mahabang litanya na kanyang ibinahagi na hindi matanggap at maproseso ng aking utak .

Naramdaman ko ang pag sakit ng aking sentido pero imbes na uminda ay natawa ako ng pagak .

"Hindi iyan totoo . " mariin kong sagot na naniniguro .

"Linnea , Katulad ng sinabi ko ay maimpluwesyang tao ang pamilya ni Lilibeth halos sila ang gumastos ng pag aaral ng huli dahil nakitaan nila ito ng potensyal at pagpupursigi at ng maging ganap na doktor ay hindi na nagdalawang isip pa na ipakasal ang kaisa isang anak nila na si Lilibeth kay Alric . " dugtong nito na siyang naging dahilan ng padarag na pag tayo ko .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon