CHAPTER 72

89 4 0
                                    

"Magpakatatag ka para sa magiging anak niyo Linnea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Magpakatatag ka para sa magiging anak niyo Linnea . " pang aamo ni Zivon sa akin matapos akong sunduin at iakyat sa aking silid matapos maiwan mag isa na halos kalat na ang dilim .

Hindi ako halos maka galaw sa aking kinatatayuan ng makita ang pagtalikod sa akin ng tuluyan ni Thurstan .

"Kanina pa ako nag aalala sayo ! ." pambubulyaw niya sa mga aksyon ko na hindi ko na din naman mababawi pa .

Wala akong masabi sa kanya at panay lang ang pag patak ng aking luha na palagi nalang nangyayari talaga .

Buong buhay ko ba ay palagi nalang akong may iiyakan ? Nakakapagod na .

Inyaos nito ang aking buhok kasabay ng pag punas sa aking mukha na animo hinihilamos na kanyang sa  akin ay inihanda habang tinititigan ako na may awa sa kanyang mga mata .

"Iniwan na niya ako . " tukoy ko at pagkumpirma sa nangyari sa amin dalawa ni Thurstan sa ibaba at binaliwala na iniwanan din naman ako ni Ziven at sumama na sa asawa kahit pa kasinungalingan ang naging kalahati ng buhay niya .

Napabuntong hininga ito at tumayo saglit upang lumayo upang abutan ako muli ng baso ng tubig na kanina ay ipinapasok kay Manang Emilia .

Si Zivon ang nandito ngayon habang ako ay sinasamahan at ipaghatid ng hapunan na hindi ko halos magalaw habang nasa baba ang iba at animo ayaw muna akong akyatin dahil ayaw ng dumagdag sa bigat na aking hinaharap na problema  .

Tinanggap ko ang baso ng tubig at halos kalatihin ang laman niyon bago muling kunin niya iyon at ilayo sa akin upang tumabi sa pagkakaupo sa gilid. 

"Gusto mo ba talagang mapag usapan ngayon ito ? Pagod ka Linnea sa lahat ng ito kaya guhustuhin kong makapag pahinga ka muna . " pahayag niya pero gusto kong umalma sana pero biglang sumagi sa isip ko ang batang aking dinadala .

Ngumiti ako ng mapait at nagpatangay nalang sa gusto ng kaibigan .

Dahan dahan akong humiga sa kama habang ako ay kinukumutan niya na may pag aalala parin sa kanyang mukha .

Marami akong gustong sabihin pero tama ito dahil kailangan ko ng pahinga .

"Makikinig ako sayo sa lahat pag gising mo bukas . " paniniyak nito bago ako tuluyang iwang mag isa sa aking silid na mariin ng ipinikit ang mga matang humahapdi  .

Sa pag salubong ng kadiliman sa akin ay malinaw kong nakita ang mukha ni Thurstan habang papalayo na ng papalayo sa akin kasabay ni Ziven na masayang nakikipag laro sa mga anak kaakbay ang asawa .

Ako ay nakapikit na pero lumandas parin ang mga luha .

Pilit kong iwinaksi at nililimot lahat ng nangyari at gustong ikalma at payapaiin ang sarili dahil hindi lang ako mag isa kasama ko ang aking anak na maaring maapektuhan .

May mapait na ngiti ang siyang napaskil sa aking nanginginig na labi ng ako ay tuluyang hilain ng antok sa sobrang pagod sa pag iisip .

Pag gising ko kinabukasan ay muli akong nakaramdam ng senyales ng aking maselang pag bubuntis .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon