CHAPTER 44

81 4 0
                                    

Sa labis siguro na pag iisip ko ng kung ano ano kagabi ay ito ang nag dulot ng aking pagkakapuyat kaya hindi natuloy ang pag gising ko ng maaga para mapuntahan ang isa pa sanang branch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa labis siguro na pag iisip ko ng kung ano ano kagabi ay ito ang nag dulot ng aking pagkakapuyat kaya hindi natuloy ang pag gising ko ng maaga para mapuntahan ang isa pa sanang branch .

Ang bigat tuloy ng aking pakiramdam sa pagtangka na makabangon sa aking kama .

Idinaan ko na lang sa ligo at pagbabad sa aking bathtub at ng matapos makuntento ay doon na lang nag bihis at bumaba para makapag tanghalian na dahil mataas na ang araw ng magising ako sa sinag nito na tumatagos sa aking bintana kanina .

"May bisita ka . " nakangiting bungad ni Yaya Dahlia na animo kanina pa ako inaantay lumabas sa aking kwarto .

"Wala po akong inaasahan . " may hinala man ako kung sino ang bisitang tinutukoy nito ay sinagot ko parin ito ng hindi interesado .

"Alam mo naman iyon , Pumupunta at dumadalaw sayo lagi ng walang pasabi . " pag sabay na nito sa akin sa pag hakbang sa pasilyo at ng makaliko na para makababa ng hagdan .

"Kanina pa sana kita kakatukin . " pambibitin pa nito na hindi ikinabago ng ekspresyon ng mukha ko at bahagyang pag salubong ng kilay na animo bumalik ang pananakit ng aking ulo .

"Pinigilan naman niya ako , Ang sabi niya hihintayin ka na lang daw niya na magising . "

"Apat na oras na siya diyan na naghihintay sayo . Babain at kauspain mo ng may kaunting tino . " napabaling tuloy ako kay Yaya Dahlia na hindi mawala ang mabining ngiti kasabay ng pag kabakas ng katandaan din sa kanyang mukha.

"Kawawa naman ang pobre . " sa pamamagitan ng nguso ay minwestiya nito ang ibabang bahagi ng kabahayan .

Bumaling naman ako sa sinisipatan at tinutukoy nito at tama nga ang hinala ko dahil si Thurstan nga ang nag hihintay sa akin ngayon .

Nang makarinig nang mga yabag na pag baba namin ni Yaya Dahlia ay inangat nito ang paningin mula sa pag lalaro ng daliri at magiliw na ngumiti at tumayo ng mag tama ang tingin namin .

"Nay , Dahlia . Sabi ko naman sa inyo wag niyo na siyang gisingin naka simangot tuloy siya ngayon sa akin . " baling nito sa katabi ko na sunod sunod ang iling .

"Naku , Kusa lang iyan na nagising . Maiwan ko na muna kayong dalawa at sabay na mag tanghalian  tutal ay kanina ka pa tumatanggi sa ahin ko Thurstan . " magiliw na paalam nito sa nangingiting lalaki .

Pag lipas ng panahon ay lagi itong pumapasyal at naririto .

Wala o nandito man ako .

Pinapansin o hindi ko man ito .

Nakasanayan ko na lang din tuloy na kapag may naghihintay sa akin na sinasabi ni Yaya Dahlia ay ito agad ang tinutukoy katulad ngayon .

"Sige po Nay , Sasabay na ako kay Linnea . "Ngiting panalo pa nito bago pinag isang linya ang labi ng kunot noo akong tumitig dito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon