CHAPTER 45

80 4 0
                                    

Papalabas na ako ng bahay para maka pasok na sa aking sariling sasakyan ng maramdaman ko ang pag sunod ng pusa ni Thurstan sa paanan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papalabas na ako ng bahay para maka pasok na sa aking sariling sasakyan ng maramdaman ko ang pag sunod ng pusa ni Thurstan sa paanan ko .

Napahinto tuloy ako para yukuin at titigan ito ng seryoso na animo pinapaunawa dito habang isinasayaw sayaw pa ang buntot sa likod na hindi ako pwedeng makipag laro .

"Hindi kita isasama kaya pumasok ka na doon at mag laro mag isa . " kausap dito na animo susunod sa sinabi ko .

Meow ~

Ngumawa lang naman nito na animo sinasabi na wag kong iwan na mag isa dahil wala siyang makakasama .

yumuko tuloy ako saglit at walang emosyon ang aking mukha na ito ay kinarga at tinaas para magtitigan ang aming mga mata .

"Hinabilin na kita kay Yaya Dahlia , Kaya wag ka ng makulit at baka hayaan kita mag isa sa kalye . Gusto mo ba iyon ahhh ? " pananakot ko dito na hindi na ikina imik at ikinangawa nito .

Umismid tuloy ako bigla dahil pakiramdam ko ay natakot ko nga siya.

Bitbit ito ay pumasok ulit ako ng kabahayan para iabot at ipasa ang pusang ito kay Yaya Dahlia .

"Mukhang nag kakaasundo kayo ng pusang ito . Apat na araw pa lang kung sumunod sayo ay parang ikaw na ang amo . " natatawa pang kiskis ni Yaya Dahlia sa tungki ng ilong ng pusa na pinasa ko na sa kanya .

"Aalis na po ako . " paalam ko sabay baling ko sa pusa at sa kanya bago muling nag martsa palabas .

Sumakay na ako sa aking kotse at marahan na nilingon ang sinalansan kong paper bag na aking binili kahapon para sa kambal .

Pinag buksan ako ng malaking gate ni Mang Stefan na magiliw ko na lang nginitian at tinanguan at minaniobra ang maninela at tinahak ang daan patungo sa subdivision kung saan naninirahan na sina Zivon at ang asawa na nitong si Marick .

Nasa huling baitang ng kolehiyo ako ng mabalitaan ko bigla na buntis si Zivon .

Hindi nito naituloy at natapos ang propesyon na gusto pero sa tuwing magkikita at papasyal ako sa kanila ay animo walang pagsisisi sa mukha dahil nga masaya sa biyaya na nakuha higit pa sa diploma at propesyon na pinangarap niya .

Magiliw na binati ako ng mga security guard ng subdivison ng makita na nila ako sakay ng sasakyan  at magiliw na pinadaan na papasok .

Ilang sandali lang ay nasa harap na ako ng may kalakihan ding two story house na napundar ni Marick matapos ipag patuloy at makamtan ang propesyon bago nag pasya na pakasalan si Zivon ng nakaraang taon at bilhin ang bahay na ito .

"Nandito na ang Ninang ! . " malakas na anunsyo ni Zivon ng ako ay mapag buksan ng pinto .

Ngumiti at bumeso muna ako dito at ganon din naman ito bago tuluyan ng tumakbo papalapit sa akin ang dalawang kambal na anak nito .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon