CHAPTER 19

101 5 0
                                    

Marahan na idinilat ko ang aking mga mata at mabilis na pinatay ang alarm clock na malakas na gumising sa akin na nasa lamesa sa gilid ng aking kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Marahan na idinilat ko ang aking mga mata at mabilis na pinatay ang alarm clock na malakas na gumising sa akin na nasa lamesa sa gilid ng aking kama .

Dahan dahan na bumangon at inunat ko ang aking kamay at inayos ang buhok ko upang ang ilang hibla ay maalis mula sa pagkakatama sa aking mukha .

Mabagal na isinuot ko ang aking sapin sa paa at nagsimulang kumilos upang gawin ang araw araw na nakasanayan na rutin bago ako pumasok ng eskwela .

Pagkatapos kong maligo sa maligamgam na timpla ng tubig sa ilalaim ng dutsa ay nagbihis at nag ayos na ako para bumaba .

"Magandang umago sayo Ma'am Linnea !" masaya at magiliw na bati sa akin ni Yaya Dahlia .

Nginitian ko lang ito at tahimik na akong nag tungo at umupo sa lamesa .

"Papalapit na naman ang pasko . Kailangan na natin mag tayo ng christmas tree at maglagay ng dekorsyon na pang pasko sa paligid . " puno ng kasiyahan na sambit nito at napatingin naman ako sa kanyang mukha na punong puno ng kasiyahan dahil sa kanyang ideya .

"Mamili ka na lang Yaya lahat ng kailangan na dekorasyon na kakailanganin mo , Gamitin mo nalang ang credit card ko . " pagbibigay alam ko dito na siyang mas ikinasaya at ikinasikllop pa ng palad nito .

"Mamaya , Mamimili kami ni Stefan . Sisiguraduhin ko sa pag uwi mo mamayang gabi ay nasa tamang pwesto na ang lahat ng dekorasyon na aking ipinamili . " bakas talaga sa mukha nito ang labis na kasiyahan dahil aking pinagbigyan .

Ang totoo niyan ay wala naman kaso sa akin kung meron o wala man na dekorsayon na pang pasko sa aking paligid .

Nakasanayan ko kase sa mansion na animo wala lang din naman halaga ang mga iyon lalo na kapag sumasapit ang araw ng pasko dahil lagi naman wala ang Mama sa tabi ko dahil may kasamang iba ito .

Kung hindi kasintahan ay ang naging asawa ang madalas na kasama nito sa araw ng pakso kaya ako ang madalas na naiiiwan mag isa sa Mansion para lang buksan ang isang kahon ng regalo na hindi ko naman kailangan kahit pa ano .

Nang makalabas na ako ng bahay ay bumungad sa akin ang malamig na simoy na hangin na dumampi sa aking balat .

"Napakalamig na ng simoy ng hangin hindi po ba Ma'am Linnea ? . " nakangiting wika ni Mang stefan at katulad ng dati ay pinag buksan na ako ng pinto ng sasakyan .

"Oo nga po . " pag sang ayon ko at matapos ang ganting ngiti ko dito bago umakyat na nag sasakyan at nag tungo na kami sa aking paaralan .

Pagbaba ko pa lang ay nakaramdam na ako ng ibang awra sa kapaligiran . Awra na hindi masama kundi awra ng kagalakan na lumalabas sa ekspresyon ng iilan .

"Ang saya ng lahat hindi ba ? Paano ba naman ay disyembre na at talagang damang dama na ng iilan ang kapaskuhan . " nalingunan ko ang nag salita at tumabi ngayon sa gilid ko na si Darcell .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon