CHAPTER 29

80 5 0
                                    

Maayos na lumipas ang mga araw at dumaan ang mga linggo sa pagsisimula ng pasukan ng mapayapa  hindi ko noon ito nakasanayan dahil binabagabag ako ng mga galit ng iilan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maayos na lumipas ang mga araw at dumaan ang mga linggo sa pagsisimula ng pasukan ng mapayapa  hindi ko noon ito nakasanayan dahil binabagabag ako ng mga galit ng iilan .

Galit na napawi din ng makilala nila ako ng lubusan .

Galit na napaka habang panahon na naramdaman sa akin ng mga tao sa kapaligiran pero nag laho na parang bula ng makilala ko si Ziven at ang iba pa .

Bigla ko tuloy naka limutan ang mapait na pakiramdam na aking naranasan ng nakaraang panahon ngayon na sa sandaling panahon na akin silang nakasama ay ganoon kabilis pinawi ni Ziven ang lahat ng aking pangamba .

Araw ng Sabado , ilang araw din na tuloy tuloy ang mga pagsusulit na nag pahirap sa amin din ng tunay na akin din naman na naramdaman .

Hindi ko alam na darating sa punto na magiging takbo at laman lang ng utak ko bukod sa pag aaral at pagbabasa ng mga libro ay ang imahe at mga alaala namin na mag kasama ni Ziven .

"Iyan na ba ang mga penikula na gusto mong mapanuod mamaya ? . " lapit at akbay sa akin ng marahan ng lalaking laman ng aking kaisipan ilang buwan na din ang nakakaraan .

Nasa loob kami ng mall ngayon kasama ang iba at imbes na manood sa sinehan ay nag kasundo kami na bumili na lang ng DVD at manood sa aming tambayan .

"Hindi ko pa ito napapanood , Sabi nila medyo malungkot daw ang kwentong ito . Gusto kong malaman paano nila lahat nalagpasan ang pagsubok na dumaan sa kanilang pareho . " nagkibit balikat ako habang nakatingin sa mukha nito na nakanguso ng bahagya at animo may pinapahiwatig na kung ano .

Ngumisi ako at ibinalik ang tingin ko sa DVD na hawak ko .

"Linnea ? , Wag mong sabihin na iyan ang gusto mong panoorin na kasama ako ?  " sulpot ni Zivon sa gilid ko kasama ang lukot na mukha na si Marick .

"Mag sine na lang kase tayo . " bulong bulong pa nito na animo bata na naagawan ng laruan sa daan .

"Mas maganda kung sa tambayan na lang solo pa natin ang oras , at kahit ilan pa ang panoorin natin hanggang sa pare pareho tayong mag sawa . " sambit ni Ziven na marahan na kinuha sa kamay ko ang DVD at ako ay binulungan nito .

"Parang mas maganda kung puro horror na lang ang panoorin natin mamaya , Palagay mo ? ." Malokong pasaring nito na ikiiling iling ko na nagpatawa naman dito ng ilayo ang mukha mula sa pag bulong sa tenga ko .

"May balak ka talaga atang paiyakin ako mamaya linnea ? Mahina ang puso ko sa ganyang mga pelikula kaya ito na lang ang panoorin natin ! Aksyon pero pumapag ibig ! . " pag papatuloy ni Zivon na itinaas pa ang DVD na pinili .

"Hayaan mo siyang mamili ng kung anong gusto niya Zivon mapapanood naman natin ang lahat ng iyan mamaya . " kinuha na din ni Ziven ang hawak na kaha ng pelikula ng kapatid at isinama sa aming bibilhin .

"Sabi ko nga , Na tuwa lang ako kay Brad Pitt Linnea , Alam mo na ? Ang gwapo niya noh ? . " kinikilig na kalabit sa akin ni Zivon na ikina buntong hininga ng marahas ni Marick at animo wala sa loob na kumuha ng DVD na sa unang tingin pa lang ay alam mo ng nakakatakot ang istorya .

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon