CHAPTER 70

77 4 0
                                    

Ziven / Alric POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ziven / Alric POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng pumayag ako sa DNA test na isagawa sa ospital sa Maynila na suhestyon ng mag asawang sina Marick at ang nag pakilala sa akin na  kapatid ko na si Zivon .

Labag man sa loob ng asawa kong si Lilibeth ay hindi na ako nagawang pigilan pa nito kaya dalawang araw na din na masama ang loob sa akin nito na siyang naiintindihan ko .

Siguro iniisip niya na kinukwestyon ko na ang pagkatao ko .

Akala niya magbabago ako sa oras na lumabas ang resulta nito . 

Napangiti ako ng tipid at bumangon sa kama ng matapos ko siyang yakapin ay lumayo siya bigla kaya agad na hinabol at niyakap ko siya na nagpapadama ng pagmamahal at pagkalugod ko sa kanya .

"Galit ka pa rin ba sa akin Lilibeth ? ." bulong ko sa kanyang tenga at marahan na hinaplos ang hubad na balikat dahil manipis lang na tela ang suot na kanyang palaging pantulog  .

Marahas na itinulak ako nito papalayo at nagliliyab ang mga mata sa galit sa akin ng ako ay harapin niya.

"Sabihin mo nga sa akin Alric umamin ka ! . " asik niya na may pagbabanta sa tinig niya .

Napabuntong hininga ako at ipinagpapasalamat na maagang natulog ang aming kambal at malayong pumasyal sa silid naming mag asawa .

"Lilibeth napag usapan na natin ito at sinabi ko na sayo ang totoo . " malambing na sagot ko sa kanya at tinangkang haplusin ulit ang balikat niya .

Pero katulad kanina ay marahas parin ang pag tanggi at paglayo at ngayon ay animo maiiyak na sa suklam sa akin ngang nadarama .

"Ang alin ? Na pinagdududahan mo ako ganon ba ahh ?! . " singhal niya at dinuro duro pa ang aking dibdib kaya maagap na hinila at niyakap ko siya ng mahigpit at kinintalan ng halik sa kanyang leeg upang kahit paano ay akin namang mapatahimik.

"Lilibeth , Iyon lang ang alam kong paraan para matigil na sila . " sagot ko sa kanya na ipinaliwanag ko naman simula pa .

"H-hindi iyon eh ! Ipinamukha mo sa kanila na baka tama sila at wala kang tiwala sa a-akin diba ?! . " sumbat na naman niya na pilit nagpupumiglas pero pahina na ng pahina dahil narin siguro sa kakahalik ko sa leeg niya ng patipid tipid talaga .

"Bakit ko naman pagdududahan ang asawa ko ? Hayaan na natin sila . Wag ka ng mabahala pa . " saad ko at dahan dahan siyang hinihila pabalik sa aming kama na ikinangiti ko nalang dahil alam kong nanlalambot na siya at natutunaw na ang galit niya sa akin .

"Dahil kahit ano pang lumabas sa resulta hindi niyon mababago na asawa mo ako at pinakasalan ka dahil alam kong mahal nga kita . " pagpapatuloy ko habang dinadama ng aking kamay ang bewang niya na ngayon ay iginaya at ikinandong siya sa akin nga.

Tinitigan niya akong mabuti na may takot sa mga mata na agad ko ding pinawi sa halik kong naniniguro ng kinabuksan kasama siya .

Ikinawit na niya ang batok sa akin habang malaya ko ng nahawakan siya saan man na hindi nagpupumiglas.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon