CHAPTER 71

84 4 0
                                    

"Kamusta na ang pakiramdam mo ?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kamusta na ang pakiramdam mo ? ." pangungumusta ni Zivon kinabukasan matapos siyang kumatok sa aking silid at pinagbuksan.

Marahan akong muling bumalik sa aking kama at sa gilid ay maupo kasunod siya habang ako ay tagilid na ngumiti sa tanong niya .

"Medyo nahihilo lang ako kanina pero ngayon ay nawala na . " pag amin ko sa kanya at umiwas bahagya ng paningin dahil ako ay nahihiya sa engkwentro ko sa asawa niya kahapon talaga .

"Normal lang ang mga sintomas na yan , Sabi kahapon ng doktor na tumingin sayo ng mawalan ka ng malay ay kailangan mo ng labis na pahinga . " pagpaaalam niya sa akin. 

Ngumiti ako ng tipid at bumaling na sa nag aalala niyang mukha pero wala akong mahapuhap man lang na masabi sa kanya. 

Kahit pa agaran silang bumalik at mag byahe pabalik dito ng malaman nila ang pagkawalan ko nga ng malay kay Manang Emilia na nasa tabi ko ng mga oras na yon at agaran na maalalayan ako bago tuluyan mag dilim ang lahat sa akin .

"Linnea ." tawag niya  .

"Pasensya ka na sa inasal at mga nasabi ni Marick kahapon ahh ? ." paumanhin niya at pinisil pa ang aking palad na nakapatong lang sa aking hita. 

"Hindi ba't ako ang dapat humingi ng tawad ? ." wala sa sarili kong balik tanong sa kanya sabay kunot ng mukha .

"Ano naman ang dapat ikahingi mo ng tawad Linnea ? Wala kang kasalanan ." paniniyak na tono ng boses niya pa na agad ko ding ikinailing pa. 

"Tama si Marick tungkol sa estado ng nararamdaman ko para sa dalawa . " atubiling sagot at pag amin ko habang pinapakalma ang sarili upang hindi mapasama ang bata sa sinapupunan ko sa mga naglalarong emosyon sa kalooban ko na ikinakadamay ng kalusugan din niya. 

"Zivon alam mo naman simula pa noon na umikot ang mundo ko sa kapatid mo hindi ba ? . " mapait na pagpapatuloy ko habang siya ay impit ang luha sa mga mata at alam kong ako ay naiintindihan niya.

"Alam niyong lahat kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko siya pinanghawakan kahit pa ng buong akala ko ay wala na siya.  "

Pumatak ang luha sa mukha niya na animo sumasalim sa akin nga. 

Siya ang lumuha para sa akin habang hinahayad ang katotohan na damdamin habang pinapatatag ang sarili sa lahat pa ng magiging sasabihin sa kanya na gusto kong marinig pa niya. 

"Malaki ang kasalan at atraso ko kay Thurstan . " paniniyak ko habang ito at lumuluhang nakikinig lang

"Simula ng nawala ang kapatid mo lagi kong kinukwestyon Zivon ang presensya niya ? Hindi ba't aksidente iyon at wala naman din siyang kasalan  ? . "  animo may likodong nagbara sa aking lalamunan na kay pait ng lumunok bigla. 

"Pero bakit ganon ? Bakit napaka sama ko naman sa kanya ? . " pangunguwestyon ko pero lamang ang katanungan at konsesya sa kalooban .

"Sabihin mong wala akong dapat ikahingi ng tawad ? . " nanginginig na katanungan ko sa kanya habang traydor na lumalabo na ang aking mga mata.

The Girl I Heard So Much About (SSB3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon